Una sa Balita

Horoscope 11/29/19

0 498

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Masyadong sabik sa pag-aksyon para sa hinaharap. Kailangang­ planuhin ang mga ginagawa upang magtagumpay ka. Lucky number for today: 7

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kahit hindi nagsusumikap ay magkakaroon ng magandang resulta. Pagbutihin pa ang ginagawa dahil maraming hamon na susubok sa iyong katatagan. Lucky number for today: 54

AQUARIUS (January­ 20-February 19) – Maraming alalahanin sa ngayon. Piliin lamang ‘yung bagay na dapat talagang pagtuunan ng pansin. Meron ding isang indibidwal na dapat mong paglaan ng iyong oras. Lucky number for today: 46

PISCES (February 20-March 20) – Panahon na para sa bagong pakikipagsapalaran. Mahihirapan man sa umpisa ay makakasanayan din ng katawan at magiging masaya sa bagong karanasan. Lucky number­ for today: 3 ARIES (March 21-April 19) – Subukang tingnan ang taong gusto mo sa tunay nitong pagkatao. May pagkakataong iba ang nagiging pagkilala natin sa isang tao dahil ito ang gusto nating makita at hindi ang totoo. Paghiwa­layin ang ilusyon sa katotohanan. Lucky number for today: 7

TAURUS (April 20-May 20) – Mataas ang pangarap mo hindi lang para sa ‘yo pati na rin sa mga mahal mo sa buhay. Kailangan mo silang hikayatin na matupad din ang kanilang mga pa­ngarap. Lucky number for today: 41

GEMINI (May 21-June 20) – Nag-aalinlangan man ang ilang tao na kaya mong gumawa ng sariling pangalan ay nagkakamali sila. Papabor ang araw na ito sa iyong mga ideya. Lucky number for today: 53

Related Posts

CANCER (June 21-July 22) ­– Alam mo na hindi mo kayang mabigo sa iyong ginagawa. Maging maagap sa pagkilos at maging­ masigasig upang makamit ang iyong mga pangarap. Ito’y malapit na. Lucky number for today: 23

LEO (July 23-August 22) – Pilitin na harapin ang iyong mga kinatatakutan sa buhay sa dara­ting na mga araw. Matutuklasan mo sa sarili na kaya mo palang lagpasan ang mga ito. Ang buhay ay mas magiging masaya. Lucky number for today: 56

VIRGO (August 23-September 22) – Huwag sayangin ang iyong oras sa mga taong hindi ka kayang unawain. Hindi lahat ay may kakayanang mag-isip ng katulad mo. Lucky number for today: 39

LIBRA (September­ 23-October 22) – May isang tao ang gustong magpakita ng importansya sa ‘yo. Bigyan siya ng pansin at bigyan ng pagkakataon ang posibilidad na kayo ang magkatuluyan sa huli. Lucky number for today: 29

SCORPIO (October 23-November 21) – Minsan ay nagiging mapagbigay ka sa iba kaysa sa sarili. Gawin ang maitutulong sa iba pero huwag gawin ang lahat para sa kanila. Lucky number for today: 32

Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy