Una sa Balita

Horoscope 11/20/2019

0 328

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag aksayahin ang oras na pag-aralan ang isang bagay. Kumilos na agad at magiging masaya sa resulta. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Magiging nega­tibo sa ilang bagay at sa paligid mo. Importante ang maging positibo sa pag-iisip para magkaroon ng lakas na harapin ito. Lucky number for today: 15

CAPRICORN December 22-January 19) – Magkakaroon ng pakikipagsapalaran sa mga darating na araw. Huwag pabigla-bigla sa pagdedesis­yon upang maiwasan ang magkamali. Lucky number for today: 24

AQUARIUS (January 20-February 19) – Magiging mas magaling pa sa trabaho mo ngayon kaysa noon. Ipakita sa boss ang nag-level up na galing baka magkaroon ng promosyon. Lucky number for today: 4

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ikaw ang taong mahilig sumunod sa uso. Ang iba ay masaya na makiuso habang ikaw ay naiiba at masaya ka sa gusto mo. Lucky number for today: 14

ARIES (March 21-April 19) – Ang manguna sa halos lahat ng bagay ang nais mo. Ang planetang Mars ang nagsasabi sayo na lahat ay posib­le kaya dapat na kumilos para manguna ka. Lucky number for today: 56

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Ang pagbabago ay kinakaila­ngan sa pakikitungo sa iba. Makukuha pa rin ang gusto mo dapat lamang ay makisama. Lucky number for today: 2

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi kailangan na magbago para lamang kalugdan ng iba. Maging totoo sa sarili upang ang lahat ay maging maa­yos. Lucky number for today: 6

CANCER (June 21-July 22) – Hindi dapat maging tahimik sa mga pinaplano sa buhay. Iparating ito sa lahat dahil marami ang gustong tumulong para magtagumpay ka. Lucky number for today: 38

LEO (July 23-August 22) – Magi­ging mahirap para sa iyo ang magdesisyon sa mga darating na araw. Kailangan na maging matalino sa pagdedesisyon para magtagumpay. Lucky number for today: 45

VIRGO (August 23-September 22) – Ang akala mo ay mapagtatagum­payan ang lahat. Huwag mangumprumiso. Kung hindi rin naman kaya, gawin lang ang kaya. Lucky number for today: 58

LIBRA (September 23-October 22) – Magiging madali ang pagkumbinsi at mga gawain bukas. Ang mga gawain ng nagdaan ay sulit naman sa paghihintay. Lucky number for today: 54

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy