Una sa Balita

Horoscope 11/19/20

0 312

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa pagkakataong ito, hindi masamang pagsabayin ang trabaho at pagsasaya. Isang kasamahan ang nagbibigay ng dagdag na kulay sa iyong mundo. Lucky number for today: 51

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Tapos na ang oras ng pagkuwes­tyon sa iyong kakayahan. Sa pagkakataong ito, kailangan mong umaksyon. ‘Wag ma­ngamba, may aberya man ay kaya mong lagpasan. Lucky number for today: 11

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kakailanganin mong gawin ang ilang bagay kahit mabigat sa iyong kalooban. Importanteng makapagpakita ka ng magandang attitude at mag-iwan ng positibong impresyon. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 19) – May pagbabagong magaganap sa mga darating na araw. Kaila­ngan na makasabay sa mga pagbabagong ito. Maging bukas ang pag-iisip. Lucky number for today: 53

PISCES (Februa­ry 19-March 20) – Merong makikipagkumpitensya sa‘yo sa trabaho. Dahil sa pagi­ging matalino ay mana­nalo ka. Pero kailangan pa rin ang maagap na pagkilos para matiyak ang tagumpay. Lucky number for today: 12

ARIES (March 21-April 19) – Nakakaramdam ka ng inggit sa ilang kasamahan dahil sa nakikitang pag-unlad nito sa trabaho. Huwag hayaang mangibabaw ang negatibong emosyon. Nasa iyong kamay ang paraan para makamit ang tagumpay. Lucky number for today: 12

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag ipagmayabang ang mga natatamong tagumpay. Merong mga tao ang naiinggit sa‘yo kaila­ngang maging maingat sa mga ginagawa. Lucky number for today: 44

Related Posts

GEMINI (May 21-June 20) – Kung may kaila­ngang alisin sa buhay mo, ngayon ay magagawa mo na ito. Kailangan mo lamang maging determinado at iwasang pairalin ang awa. Hindi makakatulong ngayon ang anumang sentimi­yento. Lucky number for today: 1

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan mo pang i-push ang sarili mo para matapos ang ilang proyektong matagal mo nang isinasantabi. Ito na ang tamang araw para ilagay sa tama ang lahat. Lucky number for today: 13

LEO (July 23-August 22) – Anumang umpi­sahan mo ngayon ay gugugol ng mas mahabang oras. Kailangan mo munang ibuhos dito ang iyong atensyon. Kapag ibinigay ang iyong commitment, tiyaking kaya mo itong pangatawanan. Lucky number for today: 26

VIRGO (August 23- September 22) – Maaring mangibabaw ang tensyon dahil sa ilang madramang tao sa paligid mo. Kalmahin sila sa abot ng iyong makakaya. Lucky number for today: 32

LIBRA (September 23-October 22) – ‘Wag mahiyang sabihin kung ano ang tunay mong saloobin. Kailangan na itong malaman ng mga kinauukulan. Hindi habang panahon ka makakapagpasensya. Lucky number for today: 46

Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy