Una sa Balita

Horoscope 11/18/2019

0 306

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi masamang ­maging alerto. Hindi masamang pag-isipan kung may ­sapat na rason ang ilang pagdududa. Iwasan ­lamang na umaksyon kung wala pang hawak na ­matibay na basehan. Lucky ­number for today: 23

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mahihirapan kang tanggapin ang mga sinasabi ng ilang nagpapakilalang eksperto. Pero kailangan mo ang impormasyong manggagaling sa kanila. Iwasang pairalin ang pride. Lucky number for today: 52

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maaaring may ­makilala kang isang taong mas malawak sa iyo ang ­karanasan. Nasa posisyon siya para tulungan ka sa iyong inaambisyon. Lucky number for today: 13

AQUARIUS (­January 20-February 18) – Hindi lahat ng balita ay makakapagpasaya sa iyo. Pero ‘wag ­ika-depress ang isang isyu. May ­pangyayaring sadyang hindi maiiwasan. Lucky number for today: 4

PISCES (February 19-March 20) – May nagpapabigat sa iyong isip. Kailangan mo muna itong ihinga sa isang ­taong makakaunawa sa iyo. ‘Wag mangiming ­lumapit sa taong nasa posisyon para alalayan ka. Lucky ­number for ­today: 34

ARIES (March 21-April 19) – Sa ­romansa nakatutok ang araw na ito. ­Kailangang bigyang pansin ang anumang partnership kahit personal o pang­kabuhayan. Mag-iiwan ng magandang aral ang bawat karanasan. Lucky number for today: 51

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – ­Balansehin ang ginugugol na oras at atensyon sa mga isyung kinalaman sa ­career at romansa. Kailangang ma­naig ang pagiging praktikal pagdating sa anumang pagdedesisyon. Lucky number for today: 7

GEMINI (May 21-June 20) – I-push pa ang sarili pagdating sa iyong ­career. Anumang pagkontra ang ­sabihin ng ilang tao, basta’t ­naniniwala kang kaya mo ay wala silang ­magagawa ­kundi ­manood na ­lamang. Lucky number for ­today: 11

CANCER (June 21-July 22) – Sadyang mahirap intindihin ang ilang tao kaya ‘wag nang ­i-pressure ang ­sarili. Tanggapin ang mga pagkakaiba at magpokus sa kung anong ­nagpapasaya sa iyo. Lucky number for today: 25

LEO (July 23-­August 22) – Bawat isa ay may kanya-kanyang ­istorya. Bigyan din ng ­panahon ang pakikinig sa mga ­taong importante sa ­buhay mo. Marami kang puwedeng matutunan. Lucky number for ­today: 31

VIRGO (August 23-September 22) – ­Nakakapagpabigat ng ­pakiramdam ang ilang problema sa pera. Magrelaks lang dahil ­lilipas din ito at kusang mareresolba ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky number for ­today: 42

LIBRA (September 23-October 22) – Kung may nakagulo sa isip mo sa mga nagdaang araw ­ngayon ay makakaya mo nang magrelaks. Samantalahin ang pagkakataon habang nakikiayon ang kapalaran. Gawin ang mga matagal nang pinaplano. Lucky number for today: 14

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy