Una sa Balita

Horoscope 11/17/19

0 340

SCORPIO (October 23-November 21) – Ngayon mo mare-realize na meron kang mga natatagong talent. Gamitin ito at samahan ng imahinasyon. Naghihintay ang mga magagandang adventure. Lucky number for today: 16

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang bagong love interest ang papasok sa buhay mo. Kung wala ka pang partner, hindi masamang salubungin ito. Kung committed ka na, piliin ang maagang pag-iwas. Lucky number for today: 44

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magandang pagkakataon ito para makasama ang mga taong makakatulong sa iyong career. Meron ding romantikong posibilidad para sa mga naghahanap ng mamahalin. ‘Wag sayangin ang pagkakataon. Lucky number for today: 30

AQUARIUS (January 20-February 18) – Sagana ka sa energy ngayon kaya bakit magmumukmok sa bahay. Ang mga ideyang nasa iyong isip ay mananatili na lamang ideya kung hindi mo susubukan. Lucky number for today: 21

PISCES (February 19-March 20) – Isang taong nasaktan mo sa nakaraan ang magbabalik sa iyong mundo. Gamitin ang pagkakataong ito para makabawi sa kanya. Kaya mong maging mabuting kaibigan sa pagkakataong ito. Lucky number for today: 13

ARIES (March 21-April 19) – Nasa tamang direksyon ka mapa-career o love life. Tandaan lamang na ang bawat aksiyon mo ngayon ang magiging pundasyon ng iyong hinaharap kaya makabubuting laging ibuhos ang iyong best effort. Lucky number for today: 8

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Nasa romansa ang pokus ng araw na ito. Panatili­hing bukas ang iyong mga opsyon. Makikita mo kung aling pinto ang tunay at karapat-dapat para sa iyo. Lucky number for today: 9

GEMINI (May 21-June 20) – Kung natagpuan mo na ang iyong supportive na partner sa buhay, ipakita sa kanya kung gaano siya ka-espesyal para sa iyo. May pagkakataong pinakamainam na paraan ang pagsasalita. Lucky number for today: 31

CANCER (June 21-July 22) – Isang alok ang mahirap tanggihan ngayon at makakatulong ito sa iyong career. Ang gabi ay may magandang oportunidad na bubuksan para sa romansa. Lucky number for today: 22

LEO (July 23-August 22) – Isang tao sa pali­gid mo ang maituturing na mapanganib para sa iyong love life. Alala­haning ‘three is a crowd’ kaya kung meron ka ng partner, dumistansya sa tukso. Lucky number for today: 11

VIRGO (August 23-September 22) – May hatid na kalituhan ang mga opsyon sa iyong harapan. Kailangan mo ba talagang pumili kung may paraan naman para makuha mong pareho ang iyong gusto? Lucky number for today: 20

LIBRA (September 23-October 22) – Isang hindi inaasahang pagkikita ang magkakaroon ng malaking bigat sa iyo sa mga susunod na araw. Ang sariling bahay pa rin ang nagsisilbi mong comfort zone kaya kung nakakaramdam ng pagod manatili muna sa bahay. Lucky number for today: 39

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy