Una sa Balita

Horoscope 11/15/2018

0 204

ARIES (March 21-April 19) – Tama lamang na magpokus ka sa iyong mga goal sa buhay pero maging fle­xible sa iyong mga plano. Kung may adjustment na kailangan, gawin ito at wag katakutan ang bawat pagbabago. Lucky number for today: 10 

TAURUSN(April 20-May 20) – Malaki ang impluwensya mo ngayon sa mga tao sa paligid mo. Iwasan lamang na maging masyadong mapagdikta. La­ging ikonsidera kung ano ang ikabubuti ng mas nakararami at hindi ka malilihis. Lucky number for today: 15 

GEMINI (May 21-June20) – Wag masyadong magpokus sa problema ng ibang tao kahit pa ng mga taong mahalaga sa buhay mo. Huwag hayaang mabalot ng negatibo ang iyong pananaw sa buhay. Kung kinakailangan, dumistansya sa mga taong walang bukambibig kundi problema sa buhay. Lucky number for today: 24 

CANCER (June 21-July 22) – Sarilinin muna ngayon ang iyong opinyon. May oras para magsalita at sabihin kung ano ang iyong na­raramdaman pero hindi ito paborable sa araw na ito. Gamitin ang araw na ito para makapag-ob­serba. Lucky number for today: 51 

LEO (July 23-August 22) – Hindi lahat ay kasing taas ng determinasyon mo. Lawakan pa ang pang-unawa sa mga tao sa paligid mo. Bigyan ng pagkilala kahit maliit lamang ang nagiging kontribusyon nila. Lucky number for today: 13 

VIRGO (August 23- September 22) – Kung may pagdududa kang nararamdaman, pag-aralan mong mabuti ang mga nailatag mong plano. Posibleng ang pagdududa ay dahil natatakot ka na hindi ka ganap na handa. Dagdagan pa ang kumpiyansa sa sarili. Lucky number for today: 19 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Wag nang sayangin ang oras sa pag-iisip sa nakaraan. Hindi rin makakatulong kung lagi mong iisipin kung ano ang nagawa mo sana. Sa halip, pagbutihin na lamang kung ano ang mga gagawin pa. Lucky number for today: 36 

SCORPIO (October 23-November 21) – Bahagyang bumababa ang kumpiyansa mo sa sarili. Labanan ang ganitong nararamdaman. Kung may nangyari mang aberya, hindi makakatulong kung patuloy na sisisihin ang iyong sarili. Gawin ang kinakailangan at maka­kabawi ka rin agad. Lucky number for today: 17 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi iilan ang tatayong kritiko mo ngayon. Ang mga taong kumokontra sa iyo ang dapat magsilbing bitamina para palakasin mo pa ang iyong kumpiyansa. Meron kang dapat patunayan, walang oras na dapat masayang. Lucky number for today: 11 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maraming dapat baguhin pero hindi mo kakayanin ang lahat. Lunukin ang pride at hu­mingi ng pag-alalay kung kinakailangan. Mas mapapabilis ang anumang ipinupursige kung meron kang kaagapay. Lucky number for today: 34 

AQUARIUS (January 20-February 18) – Sundin muna ang bawat nailatag na plano alinsunod sa napagkasunduan ng lahat. Hindi ito ang oras para magsarili ng diskarte. May mga nakakataas sa iyo na kailangan mong sundin. Lucky number for today: 12

 PISCES (February 19-March 20) – Kontrolin ang paggastos. May ilang tao na dumidikit lamang sa iyo para sa kung ano ang makukuha nila o mapapakinabangan mula sa iyo. Dumistansya sa mga ganitong indibidwal. Lucky number for today: 23