Una sa Balita

Horoscope 11/10/2018

0 266

ARIES (March 21-April 19) – Mara­ming oportunidad para makapagrelaks at magsaya ngayong araw na ito. Huwag ma-guilty, hindi naman ito nanga­ngahulugang pababa­yaan mo na ang ilang seryosong responsibilidad. Kailangan mo lamang makapag-unwind. Lucky number for today: 1310

TAURUS (April 20-May 20) – Kung may isang relasyon na kailangang isalba, ngayon ang pagkakataon para kausapin ang taong nakasamaan ng loob. Maari pang masagip ang magandang relasyon kung ipapakita mo ang iyong sinseridad at determinasyon na maibalik sa dati ang lahat. Lucky number for today: 39

GEMINI (May 21-June20) – Marami kang maa-accomplish ngayon lalo na kung papayagan mo ang pagtulong na ini­aalok ng mga taong nagmamahal sa iyo. Hindi mo naman kailangang patunayan ang husay at tatag mo. Lunukin muna ang pride. Lucky number for today: 44

CANCER (June 21-July 22) – May kaila­ngan kang iayos sa iyong love life. Posibleng kailangan mo lamang bigyan ng espesyal na atensyon sa araw na ito ang iyong mahal. Bigyan siya ng espesyal na atensyon para makabawi sa iyong pagkukulang. Lucky number for today: 58

LEO (July 23-August 22) – Paborableng araw ito para sa iyo. Ang anumang pagbuhusan mo ng atensyon ay magbibi­gay ng magandang resulta. Iwasan lamang magduda sa iyong kakayahan. Mas malaki ang magagawa mo kaysa iniisip ng iba. Lucky number for today: 52

VIRGO (August 23- September 22) – Gumawa ng plano pero isama rin sa pagpaplano mo ang mga taong maaapektuhan nito. Hindi masamang ikonsulta muna sa iyong mga mahal sa buhay ang mga gagawin mo bago tuluyang magdesisyon. Lucky number for today: 26

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Marami kang ideyang gustong gawin pero hindi ito uub­ra nang sabay-sabay. Tingnan munang mabuti ang mga tunay mong prayoridad. Hindi rin masamang unahin ang pinakamalapit sa puso mo. Lucky number for today: 41

SCORPIO (October 23- November 21) – Ikaw ang kakailanganing kumilos ngayon. Marami rin ang nagmamasid sa mga gagawin mo. Huwag munang magpa-easy-easy. Maraming maaapektuhan sa mga gagawin mo. Lucky number for today: 16

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Pinapaboran ka sa araw na ito. Maging sa aspeto ng romansa ay inaayunan ang mga plano mo. Hindi masamang ipursige ang isang plano na may kinalaman sa nararamdaman mong espesyal na pagtingin sa isang indibidwal. Lucky number for today: 29

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung gusto mong may marating, kailangan mo ring makipagsapalaran. Subalit kailangan mo ring tiyakin muna kung maghahatid ng mas malaking benepisyo ang papasukin mo. Kung masyadong malaki ang puwedeng mawala, mag-isip munang mabuti. Lucky number for today: 1

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi mo kailangang mapag-isa. Marami kang totoong kaibigan. Kailangan mo lamang magpasabi at handa silang umalalay. Huwag masyadong sarilinin ang bigat ng mga pangyayari. Lucky number for today: 33

PISCES (February 19-March 20) – Masusubukan ngayon kung gaano ka humawak ng pressure. Kung nasanay kang may sinasandalan, sa pagkakataong ito, sariling diskarte ang kailangan mo. Lucky number for today: 57

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy