Una sa Balita

Horoscope 11/03/2019

0 401

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas malakas ang karisma mo sa araw na ito. Ang hindi mo napapansin sa sarili mo ay napapansin ng iba. At ito ang dahilan kaya marami sa kanila ang gustong makipag­lapit sa iyo. Lucky number for today: 3

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Posibleng may makilala ngayon na bago matapos ang taon ay magiging higit pa sa kaibigan. Pagbigyan lamang ang takbo ng mga pangyayari at ‘wag munang kumontra. Lucky number for today: 4

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi mo kailangang pasanin ang bigat ng mundo at ang bigat ng problema ng mga tao sa paligid mo. Mas marami ka pang puwedeng gawin kaysa makisawsaw sa drama ng ibang tao. Lucky number for today: 13

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Nasa mood ka para makipagsaya at mahirap tumanggi sa mga imbitasyon at pagkakataong makapag-good time. Anuman ang gawin mo, maraming tao ang gustong maging bahagi. Lucky number for today: 54

PISCES (February 19-March 20) – Kaya mong umangat sa anumang kinalalagyan mo ngayon kung ipo­pokus mo lamang ang iyong konsentrasyon. Hindi puwedeng manati­ling plano na lamang ang lahat. Ang anumang pa­ngarap ay puwedeng maging katotohanan. Lucky number for today: 22

ARIES (March 21-April 19) – Puwedeng mapuno ng adventure ang araw na ito kung papayagan mo. Makukuha mo anumang hanap. Sa aspeto ng iyong lovelife, ito ang magandang pagkakataon kung hinahanap mo ang soulmate mo. Lucky number for today: 40

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag basta makinig sa mga sinasabi ng ibang tao ngayon. Importanteng ma-double check mo kung may katotohanan ang natatanggap na impormasyon. Isang taong matagal nang humahanga sa iyo ang patuloy na umaasang mapansin mo. Lucky number for today: 6

GEMINI (May 21-June 20) – Magandang pagkakataon ang ihahatid ng araw na ito para ilagay sa tama ang anumang nagawang mali ng mga nagdaang araw. Paborable rin ito para sa iyong lovelife at mga kapamilya na naghihintay ng iyong pansin. Lucky number for today: 36

CANCER (June 21-July 22) – Hindi ka makakaasa na lahat ng sinasabi mo ay paniniwalaan ng iyong mgakaharap. Kahit anong paliwa­nag mo, mahirap ka nilang maunawaan. Maka­bubuting ituloy lamang ang ginagawa kaysa hintayin silang makaunawa. Lucky number for today: 11

LEO (July 23-August 22) – Masyado kang defensive sa araw na ito sa pakikiharap sa mga tao. Mas apektado ka rin ng iyong emosyon at marami kang hindi maunawaan. ‘Wag ma­ngamba, pansamantala lamang ang ganitong eksena. Lucky number for today: 27

VIRGO (August 23- September 22) – Dahil sa pagiging abala sa mga nagdaang araw, marami kang napabayaan kasama na ang iyong partner. Ibigay sa kanila ang araw na ito at bumawi sa mga naging pagkukulang. Lucky number for today: 37

LIBRA (September 23-October 22) – Ilang tao ang sadyang nakapokus sa pagiging miserable ng buhay. Hindi ka dapat paapekto. Makabubuting dumistansya para bigyang daan ang saya ng buhay. Lucky number for today: 42

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More