Una sa Balita

Horoscope 11/02/2019

0 600

SCORPIO (October 23-November 21) – Mahihirapan kang panatilihin ang isang sikreto. May opsyon ka para kausapin ang taong may kinalaman dito bago ito tuluyang malantad. Mas madaling matanggap ang katotohanan kung manggagaling ito mismo sa iyo. Lucky number for today: 46

SAGITTARIUS (November 22-December 21) –Mahirap makuha ang expectations mo kung masyado itong mataas. Maging ang iyong partner ay nahihirapang pantayan ito. Bigyan ng puwang ang ilang pagkakamali. Walang taong perpekto. Lucky number for today: 25

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mara­ming hamon sa iyong daan pero ang lahat ng ito ay makakaya mong lagpasan. ‘Wag sayangin ang bawat nabubuksang oportunidad. Lakasan lamang ang loob at halos abot-kamay na ang tagumpay. Lucky number for today: 35

AQUARIUS (January 20-February 18) – Malaki ang papel ng mga tao sa paligid mo sa nagiging pananaw mo. Piliin lamang ang mga totoong kaibigan na alam mong hindi magdadala sa iyo sa kapahamakan. Lucky number for today: 3

PISCES (February 19-March 20) – Lahat ng pinaghirapan mo sa nagdaang araw ay magkakaroon na ng bu­nga. Umpisa na rin ng kaabalahan hanggang sa makara­ting sa finish line. Hindi naman masamang bigyan ng puwang ang isang pagbibiyahe. Lucky number for today: 18

ARIES (March 21-April 19) – May isang diskusyong puwedeng pagmulan ng maliit na kaguluhan. Kalmadong harapin ang mga pangyayari at iwasang pairalin ang emos­yon. Alalahanin ang mga taong umaasa at naniniwala sa iyo. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – Sa aspeto ng romansa, nangingibabaw ang opsyon na makipaglapit sa isang interesting na indibidwal. Iwasan lamang na pumasok sa anumang malalim na commitment habang hindi ka pa ganap na handa. Lucky number for today: 44

GEMINI (May 21-June 20) – Maaaring maagaw ang atensyon mo sa isang bagong pagkakaabalahan. ‘Wag muna itong umpisahan kung marami ka pang hindi nakukumpleto. Mas wala kang matatapos kung magkakasabay ang mga pag-uumpisa. Lucky number for today: 24

CANCER (June 21-July 22) – Kilalanin ang mga naitulong sa iyo ng ilang indibidwal. Kailangang maramdaman nila na bahagi rin sila ng iyong tagumpay. ‘Wag makalimot lumingon sa pinanggalingan. Lucky number for today: 52

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag payagan ang ibang tao na diktahan ka sa bawat ginagawa mo. ‘Wag matakot ipag­laban ang mga opinyon mo lalo na kung kumbinsido kang nasa tamang direksyon ka. Lucky number for today: 51

VIRGO (August 23-September 22) – Maaari kang malagay sa posisyon kung saan inaasahan kang magbitaw ng mabigat na desisyon kahit hindi ka komportableng gawin ito. Magtiwala sa nararamdaman at hindi ka mali­lihis ng direksyon. Lucky number for today: 19

LIBRA (September 23-October 22) –‘Wag i-pressure ang mga tao kung hindi agad sila makumbinsi sa mga sinasabi mo. Mas lalo lang titindi ang oposisyon kung magpipilit. Magpakita ng positibong aksiyon kung hindi uubra ang salita. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More