Una sa Balita

Horoscope 11/01/2019

0 474

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas matatag ka sa inaakala ng mga tao sa ­paligid mo. Alalahanin din ikaw lamang ang tanging responsable para sa sarili mo. Gawin ang gusto mo pero maging handa sa lahat ng posibilidad. Lucky number for today: 16

SAGITTARIUS (November ­22-December 21) – May malaking oportunidad na ­naghihintay sa iyo pero may kalituhang nananaig. ­Maaaring nag-uugat ito sa atensyon na ibinubuhos mo para sa isang indibidwal. Nahahati na ang iyong konsentrasyon. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-January 19) – Masyado kang sensitibo at nakakaapekto ito sa iyong partner. Pero ito rin naman ang nagiging daan para mas maunawaan mo ang pinagdaraanan ng ibang tao. ­Ma­rami kang naiimpluwensyahan ngayon. Lucky number for ­today: 28

AQUARIUS (January 20-February 18) – Tila nagiging mabilis ang takbo ng mga pangyayari ­tungo sa tagumpay. Mas dumarami ang iyong res­ponsibilidad. At ­dahil dito, ­maaaring ­tuluyan kang maubusan ng oras para sa iyong lovelife. Lucky number for today: 29

PISCES (February 19-March 20) – Masa­limuot ang mga pangyayari ngayon. Kailangan mong magdahan-dahan para hindi ka ­mapasubo sa isang madramang sitwasyon. Nakaabang din ang iyong mga kritiko. Lucky number for today: 31

ARIES (March 21-April 19) – Nagsisilbi kang inspirasyon sa mga taong nakakakilala sa iyo. Bagama’t may ilan na kinaiinisan ka, ito’y ­nag-uugat lamang sa inggit at insecurities. ­Ituloy lamang ang pagtulong sa mga taong nangangailangan sa iyo. Lucky number for today: 46

TAURUS (April 20-May 20) – Habang nara­ramdaman mo na ang sayang hatid ng ­tagumpay, may ilang pangyayari namang ­nagpapalungkot sa iyo at ito’y ang mga taong hindi pa makaangat sa buhay. Ituloy lamang ang mga ginagawa at darating ang pagkakataong malalagay ka sa posisyon para matulungan sila. Lucky number for today: 9

GEMINI (May 21-June 20) – Malaki ang magagawa mo ngayon para mapayapa ang mga taong nasa paligid mo. Hindi lahat ng ­ipinapakita mo sa isang tao ay naipapakita mo sa iba. Pero higit na importante kung ano ang tunay mong pagkakilala sa sarili mo. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) – Para ­makamit ang tagumpay, isang bagay na mabigat sa iyong kalooban ang kailangan mong ­tanggapin. ­Puwedeng may kinalaman ito sa isang taong ­hindi mo gusto pero kailangan mong ­pakitunguhan nang maayos. Lucky number for today: 32

LEO (July 23-August 22) – Maaaring ­mahirapan ka ngayong magdesisyon. Maabot mo rin ang iyong inaakalang limitasyon pero makakaya mo itong lagpasan. Kailangang ­pag-aralan muli kung ano ang tamang approach at ito’y depende sa bawat sitwasyon. Lucky number for today: 31

VIRGO (August 23-September 22) – ­Nararamdaman mo na ang bigat kung laging ikaw ang nagbibigay para sa isang relasyon. Mahusay ka ring tumayong kritiko pero iwasan ­lamang na maging personal ang pagkakasabi mo para hindi makasakit ng damdamin ng taong pinatutungkulan. Lucky number for today: 45

LIBRA (September 23-October 22) – ­Importanteng maging flexible ka pero hindi ito dapat makaapekto para sa isang ­pagdedesisyon. Iba ang idinidikta ng puso sa sinasabi ng utak kaya timbanging mabuti kung saan ka lulugar. Lucky number for today: 4

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More