Una sa Balita

Horoscope – 10/24/2017

0 115

ARIES (March 21-April 19) – Manatiling nakapokus. Mas marami kang magagawa kung mananatili muna sa isang lugar. Maraming hamon na hatid ang araw na ito.  Lucky number for today: 12

TAURUS (April 20-May 20) – May dahilan para mag-celebrate. Kahit ang mga kaibigan at kaanak na nasa malayong lugar ay magpapahatid ng mensahe ng pagbati. Ienjoy lang ang nagaganap dahil deserve mo ang bawat papuri. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June20) – May magandang balitang hatid sa aspeto ng iyong career. Hudyat din ito para makapagrelaks pansamantala. I-conserve ang iyong enerhiya dahil marami pang hamon at pagbabago na kakaharapin. Lucky number for today: 10

CANCER (June 21-July 22) – Medyo mahihirapang iwasan ang isang pakikipagtalo. Kontrolin lamang ang mga lumalabas sa bibig at iwasang makapagsalita ng masakit. Panatilihin ang pagiging propesyunal. Lucky number for today: 7

LEO (July 23-August 22) – Maraming trabaho ang ilalapit sa iyo. May mga bayarin na halos sabay-sabay magpaparamdam. Sa madaling salita, ang kaabalahan ngayong araw na ito ay nagmumula sa aspetong pinansyal. Iwasang magkaroon ng kalituhan. Lucky number for today: 25

VIRGO (August 23- September 22) – Ang ‘di pagkakaunawaan at ang pagpapabaya ang dalawang bagay na dapat iwasan ngayong araw na ito. Mas sensitibo rin ang pakiramdam mo ngayon. Nalalapit ka nang makamit ang isang matagal nang minimithi at ito ang ugat ng iyong pagkabalisa. Lucky number for today: 1

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) –Paborable ang araw na ito para makihalubilo sa mga kaibigan. Gawin ito pagkatapos ng trabaho upang makapag-unwind. May mga bagong indibidwal na gustong makipaglapit sa iyo. Lucky number for today: 21

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang grupong kinabibilangan mo ay makakatanggap ng pagkilala. Mabubuksan na ang pagkakataon para sa isang long-term goal na matagal mo nang iniispatan. Lucky number for today: 15

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Positibo ang mga indikasyon ngayon at patungo ito sa tagumpay. Posibleng may kinalaman din ito sa iyong lovelife. Samantalahin ang pakikiayon ng mga pangyayari. Lucky number for today: 9

CAPRICORN (December 22-January 19) – Huwag masyadong mapagdala sa stress particular kung may kinalaman ito sa mga isyung emosyunal. Malaki ang pressure at mataas ang inaasahan mula sa iyo. Iwasang magpanik. Lucky number for today: 5

AQUARIUS (January 20-February 18) – May matatanggap na positibong balita at mababago nito ang isang sitwasyong may kinalaman sa aspetong pinansyal. Maraming posibilidad ang agad na mabubuksan. Manatiling kalmado upang hindi ito mapasok ng mga kalituhan. Lucky number for today: 32

PISCES (February 19-March 20) – Isang taong hindi mo lubos na kilala ang kukumbinsi sa iyong gumawa ng isang bagay na hindi ka pa ganap na handa. Panindigan ang iyong sariling pananaw at huwag matuksong pumasok sa isang alanganing sitwasyon. Lucky number for today: 19

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More