Una sa Balita

Horoscope – 10/17/2017

0 3

ARIES (March 21-April 19) – May pagkakataong kailangan na nating ipaubaya ang pagdedesisyon sa idinidikta ng ating sarili o sa ating instinct lalo na kung dumating ka na sa puntong napagod na sa labis na pag-aanalisa. May maitutulong din ang isang taong matagal nang pinagkakatiwalaan. Lucky number for today: 35

TAURUS (April 20-May 20) – Maaari mong maramdaman na meron pang kulang at hindi mo matukoy kung ano ito.  Maaari kang makahanap ng solusyon gamit ang payo ng iba at maging sa pamamagitan ng pagtatanong. Manatiling positibo. Lucky number for today: 29

GEMINI (May 21-June20) – Walang makakapigil sa iyo. Punumpuno ka ng inspirasyon at enerhiya. Huwag mangamba, anuman ang pangangaila­ngan mo ay ibibigay sa iyo. Patuloy na magtiwala sa iyong kakayahan gaya ng pagtitiwala sa iyo ng nakararami mong kakilala. Lucky number for today: 27

CANCER (June 21-July 22) – Mabagal ang takbo ng araw na ito para sa iyo at tila dumarami ang nakikita mong mali. Huwag mgangamba, palipasin lamang ang araw na ito at muling makikiayon sa iyo ang mga pangyayari. Lucky number for today: 35

LEO (July 23-August 22) – May tumitinding pressure sa paligid mo at mas malamang na magkamali ka kapag nagpadala ka sa pressure na ito. Kalmahin ang sarili dahil wala kang dapat patunayan sa mga taong naiinggit lamang sa iyo. 1

VIRGO (August 23-September 22) – Posibleng mapagtanto mo na lamang na ikaw ang  lider­ ngayon­ at may malaking tungkuling iaatang sa iyo. Alamin muna kung ano ang tunay na pangangailangan sa isang sitwasyon bago umaksyon. Hindi rin masamang hingin ang input ng mga kasama mo. Lucky number for today: 31

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Wala kang kailangang gawing espesyal para makuha ang approval ng mga tao sa paligid mo. Ang kailangan mo lamang ay magpakatotoo sa sarili mo. Iyon din naman ang hinihintay mula sa iyo kaya kalma lang muna. Lucky number for today: 11

SCORPIO (October 23-November 21) – May posibilidad na maraming pagkakamali o kapalpakan ang mangyari sa paligid mo. Kaya naman kailangan mong doblehin ang pag-iingat. Huwag din agad ibigay ang tiwala sa isang taong ngayon mo lamang nakaharap. Lucky number for today: 49

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Alamin na agad ang kailangan ng mga tao sa harap mo  bago pa man may ibang magdikta nito. Huwag nang maghintay ng instructions. Mas maa-appreciat­e ng ibang tao kung may inisyatiba ka sa bawat proyekto. Lucky number for today: 19

CAPRICORN (December 22-January 19) – Huwag magbigay ng iyong payo kundi hindi naman ito hinihingi mula sa iyo. Sarilinin muna ang iyong opinyon para maiwasan ang anumang ‘di pagkakaunawaan.  Sa aspekto man ng trabaho, ng pakikipagkaibigan o ng isang espesyal na relasyon, hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang tama. Lucky number for today:  28

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ma­lakas ngayon ang iyong pakiramdam kaya anumang sitwasyon ay agad mo lamang masusukat. Makiayon sa nararamdamang energy. Huwag na ring patulan ang mga tao na ang tanging layunin ay maghanap ng butas at intriga. Lucky number for today: 22

PISCES (February 19-March 20) – Makukuha mo ang pabor at respeto mula sa mga kasamahan kung makikinig ka muna sa kanila. Iwasang maging bossy dahil darami lamang ang lihim mong kaaway. Mas importante ngayon ang iyong tenga kaysa pagsasalita. Lucky number for today: 18