Una sa Balita

Horoscope – 10/10/2017

0 1

ARIES (March 21-April 19) – Mas intense ngayon ang takbo ng romansa. At dahil dito, posibleng magkaroon ng di pagkakaunawaan. Kayang iwasan ang tensyon kung mananaig ang pagmamahal kesa sa nasasagasaang pride. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – Kung wala ka pang karelasyon, hindi malayong mahulog ang loob mo sa isang kaibigan. Maaari itong pagmulan ng ibang lebel na pagtuturingan. Pero kung may karelasyon na, mag-isip munang mabuti dahil komplikasyon ang idudulot nito. Lucky number for today: 2

GEMINI (May 21-June20) – May isang nakasanayan na kailangan mo nang labanan. Paborable ang araw na ito para umpisahan ang isang pagbabago na matagal-tagal mo na ring pinagpaplanuhan. Lucky number for today: 17

CANCER (June 21-July 22) – Ramdam mong nawawalan ka ng control sa tinatakbo ng isang relasyon. May isang damdamin ang mahirap paglabanan. Kung in a relationship ka na, lumayo muna para hindi mapasubo sa gulo. Lucky number for today: 38

LEO (July 23-August 22) – Mahuhulog ang loob mo sa isang taong malapit sa iyo dahil kakaiba siya sa iyong nakasanayan. Malakas ang temptasyon na alamin ang lahat tungkol sa indibidwal na ito. Ang tanong, malaya ka ba para sundin ang nararamdaman? Lucky number for today: 40

VIRGO (August 23-September 22) – Makiayon muna sa agos. Mahihirapan ka ngayong su­malungat dahil hindi mananaig ang iyong kagustuhan. Huwag mag-alala, pansamantala lamang ang sitwasyong ito. Lucky number for today: 30

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang biglaang atraksyon ang posibleng maramdaman sa araw na ito. Ang isang hindi mo dati napapansin ay biglang magiging attractive sa iyong paningin. Lukcy number for today: 12

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung baga sa magnet, malakas ang hatak ng isang indibidwal ngayon. Kailangan mong timbangin kung makakabuti ba ang pagpasok sa bagong relasyon. Hindi lahat ng ipinakikita sa iyo ay totoo. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – May gusot ngayon sa trabaho o sa isang relasyon. Kung hindi mag-iingat posibleng makapagbitiw ka ng masakit na salita at mahihirapan kang bawiin ito. Kalmahin muna ang sarili at mas piliin ang pagmamasid bago magsalita. Lucky number for today: 19

CAPRICORN (December 22-January 19) – Handa ka nang pumasok sa isang commitment. Alam mo na rin kung ano ang hinahanap mo. May pagkakataon para gawing makatotohanan ang isang dating pinapangarap lamang. Lucky number for today: 14

AQUARIUS (January 20-February 18) – Sa araw na ito, mas malamang ang hindi pagkakaunawaan. Makabubuting umagwat muna sa tensyon. Kailangan mong bumalanse. Lucky number for today: 21

PISCES (February 19-March 20) – Paborableng araw ito para sa naghahanap ng lovelife. Nakikiayon ang mga pangyayari para makabuo ng isang bagong relasyon.  Hayaang manaig ang idinidikta ng puso. Lucky number for today: 36