Una sa Balita

Horoscope 10/31/2019

0 404

SCORPIO (October 23-November 21) – Iniisip mo bang umatras sa isang ­naipangako? Kailangan mong mamili at gawing maayos ang lahat. Iwasang makasakit ng damdamin ng iba. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Isang makabuluhang impormasyon ang darating sa iyo sa mga susunod na araw. Hindi mo ito dapat na balewalain at kailangan ng konsentrasyon para rito. Lucky number for today: 56

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan mong kumilos para sa iyong pangarap at maaaring may kinalaman ito sa ibang bansa. Ang pagpupursigi ang kailangan para makamit ang pangarap. Lucky number for today: 9

AQUARIUS (January 20-February 19) – Ang tanging paraan upang malaman ang nais mo sa isang tao ay tanungin siya nang ­maayos. Hindi makukuha ang gusto sa ­marahas na paraan. Lucky number for today: 33

PISCES (February 19-March 20) – Ang katotohanan lamang ang makapagpapalaya sa mga agam-agam. Kailangang harapin ito at isiping may mga dahilan ang mga pangyayari. Lucky number for today: 56

ARIES (March 21-April 19) – Huwag ­pumasok sa anumang gulo kung hindi mo ­naman kayang lusutan ito. May taong tila naghahamon pero hindi mo siya kailangang patulan. Lucky number for today: 17

TAURUS (April 20-May 20) – ­Hindi mo prayoridad sa ngayon ang yaman at ­katanyagan. Pero isang tao ang magbibigay daan para ­maging abot kamay ito. Nasa iyo pa rin ang ­desisyon kung papayagang ­mangyari ang lahat. Lucky number for today: 38

GEMINI (May 21-June 20) – May p­agkakataong nakakaya mong ma-predict ang mangyayari at ito’y dahil sa lohikal na ­pag-iisip at pag-oobserba. Magagamit ito para ­maisulong nang husto ang iyong interes at pangarap. Lucky number for today: 5

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan mo ngayon ng makakausap at makakaramay. Merong mga tao sa paligid na ganito rin ang hanap kaya hindi ka nag-iisa. Lucky number for today: 26

LEO (July 23-August 22) – May ­magandang ideya ang bigla mo na lamang maiisip. Gawin ito agad nang hindi ito makalimutan dahil sa madaming gawain at pinagkakaabalahan. Lucky number for today: 18

VIRGO (August 23-September 22) – Walang makakapigil sa nais mong gawin. ­Hindi mo kailangang pakinggan ang ­pinyon ng lahat dahil sila ay hahadlang lamang. Lucky number for today: 47

LIBRA (September 23-October 22) –Inspirado ka ngayon. Ang mabusisi mong pag-iisip sa solusyon sa mga problema ang kanilang hinahangaan sayo. Lucky number for today: 37

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More