Una sa Balita

Horoscope 10/30/2019

0 592

SCORPIO (October 23- November 21) – Kailangang makitungo sa ­taong nakaka­taas sa iyo ng posisyon at hindi mo dapat ­ipakita ang iyong inis. Dapat na magpanggap dahil kailangan mo ang kanilang tulong. Lucky number for ­today: 8

­SAGITTARIUS ­(November 22-December 21) –Magiging masaya at maaliwalas ang paligid mo ngayon hanggang sa matapos ang linggong ito. Gawing positibo ang araw mo at huwag maging magastos. Lucky ­number for today: 34

CAPRICORN (December ­22-January 19) – Ang iyong kamalayan ang ­lumiligalig sa iyo ngayon sapagkat mulat ka sa ­katotohanan. Hindi masamang magtanong at humingi ng payo kung hindi ka makapagdesisyon. Lucky number for today: 31

AQUARIUS (January 20-February 19) – May taong hihikayat sa‘yo na mag­seryoso ka sa iyong trabaho. Ang pagsisikap sa ginagawa mo ay magbubunga bago ­matapos ang taon. Lucky number for today: 55

PISCES (February 19-March 20) – Tiyaking maririnig ka ng kapamilya mo at mga kaibigan sa iyong sinasabi. Minsan ay may gusto kang sabihin pero tila hindi makuha ng ibang tao ang tunay na ­mensahe. Kailangang linawin ang lahat ngayon. Lucky number for today: 15

ARIES (March 21-April 19) – May magandang pangyayaring paparating. Pero hindi mo ito masyadong mapapansin dahil mas pinaiiral mo ang negatibong alalahanin. Para hindi malagpasan ng mga ­oportunidad, piliting maging positibo. Lucky number for today: 29

TAURUS (April 20-May 20) –Isang opurtunidad ang darating sa iyong harapan sa darating na araw. Mag-aalinlangan kang samantalahin ito dahil sa bagay na pinagkakaabalahan. Huminto muna sa anumang ginagawa at isipin kung ano ang iyong mga prayoridad. Lucky number for today: 39

GEMINI (May 21-June 20) – Ano ang nagbibigay ng inspirasyon sa’yo? Dapat mong ipursige ang iyong mga ­pangarap ­kahit na nagbibigay ito ng maraming ­pagsubok. Lucky number for today: 3

CANCER (June 21-July 22) –Kailangan na ikaw ang mamuno kahit ayaw mo. ‘Wag isipin ang pagkakamali na puwedeng magawa. Ibigay ang iyong siyento por siyentong effort at mapapatunayang wala ka namang dapat ikatakot. Lucky number for today: 1

LEO (July 23-August 22) – ­Kailangan munang isipin ang tama at mali. At kapag kumbinsido ka na, saka ka kumilos. May ilang susubok na hadlangan ka pero dapat kang manindigan. Lucky number for ­today: 55

VIRGO (August 23-September 22) – Huwag makinig sa sinasabi nila. Alam mo kung ano ang kailangan mong gawin. ‘Wag pakinggan ang mga kumokontra. Lucky number for today: 56

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi mo kailangan ang pag-sang ayon ng lahat sa iyong mga pinaplano. Kung personal mong kaligayahan ang nakataya, ikaw ang dapat masunod. Lucky number for today: 40

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More