Una sa Balita

Horoscope 10/29/2019

0 448

SCORPIO (October 23- November 21) – May pagbabagong parating para sa iyo sa araw na ito. Isang bagong karanasan ang sadyang itinakda para sa iyo. Lucky number for ­today: 29

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi mo na ­maibabalik ang nakaraan pero ­marami kang natutunan dito. Ang anumang pagkakamali ay hindi mo na ­kailangang ­ulitin pa. Matuto at ­maging aral para sa‘yo ang ­lahat. Lucky number for today: 54

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung gusto mo talagang ­makuha ang isang ­bagay gagawa ka ng paraan na makuha ito. ­Kailangan lamang na magpokus at ­kumilos agad nang ­makamit ito. Lucky number for today: 16

AQUARIUS ­(January 20-February 18) – ­Ipahiwatig ang gustong sabihin kahit na may masasak­tan dahil karapa­tan mo ito. Minsan kailangan mong saktan ­kahit pa ang taong malapit sa puso mo para gumising siya sa ­katotohanan. Lucky number for today: 50

PISCES ­(February 19-March 20) – ­Prinsipyo ang ­pairalin kaysa ­benipisyong ­matatamo. Hindi masamang tumanggi kung ­hindi ka ­tunay na kumbinsido. Kailangang manindigan at maging mabuting tao. Lucky number for today: 23

ARIES (March 21-April 19) – Ang usaping pinansiyal ay dapat agad na resolbahin. Hindi matatakasan ang isang obligasyon kaya makabubuting agad harapin ito at nang makapagpatuloy na sa ibang aspeto ng buhay. Lucky number for today: 10

TAURUS (April 20-May 20) – Sobrang pagsusumikap ang ginagawa mo sa ­ngayon. Pero tulad ng iba ikaw ay nagkakamali rin. ­Tanggapin ­bawat pagkakamali at tandaan na ­lamang ang naiwang leksyon. Lucky number for today: 53

GEMINI (May 21-June 20) – Huwag gugulin ang oras sa walang kuwentang bagay. Ikaw ay sadyang ­sinanay para mag-isip at magdesisyon sa ­malalaking bagay. Kailangan ang iyong konsentrasyon para rito. Lucky number for today: 57

CANCER (June 21-July 22) – Hindi mo ­kailangang pakinggan ang sasabihin ng iba. Gawin ang nais mo at harapin o tanggapin ang kalalabasan nito. Lucky number for today: 2

LEO (July ­23-August 22) – Gawing mahinahon ang pakikitungo sa pamilya. May mga ­bagay na hindi mo kayang ­baguhin pero maaa­ring gumawa ng kaukulang ­adjustment at ito’y idaan mo sa ­mahinahon na pamamaraan. Lucky number for ­today: 46

VIRGO (August 23-September 22) – ­­Kailangang tanggapin ng mga taong ­nakapaligid sa iyo ang ­gusto mong sabihin. ­Inuuna mo ang iyong ­kapamilya bago ang iyong kapakanan kailangan sa lahat ng pagkakataon pero sa araw na ito, dapat mo munang ­unahin ang sarili mo. Lucky number for today: 41

LIBRA ­(September 23-October 22) – ­Suwerte ka sa araw na ito ­kailangang samantalahin ang ­pagkakataong ito. ­Hindi ka ­nauubusan ng ideya para kumita at kailangan lamang na ­umaksyon. Lucky number for today: 9

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More