Una sa Balita

Horoscope 10/23/2019

0 380

SCORPIO (October 23-November 21) – Magiging magaan ang takbo ng pangyayari ngayon at sa susunod na araw. Mare-realize mo rin na ikaw lamang ang nagpapahirap sa iyong sarili. May mga maliliit na bagay na pinalalaki lamang ng labis na pag-iisip. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang masalimuot na sitwasyon ang papatapos na. Pero mas magiging demanding ang susunod na pangyayari. Kailangang manatiling alerto. ‘Wag mangamba, bagama’t maraming pagsubok, ito’y malalagpasan mo. Lucky number for today: 43

CAPRICORN (December 22-January 19) – Alam mo kung ano ang ta­lentong meron ka. ‘Wag mo itong maliitin dahil hindi lahat ay may kakayahan na tulad mo. Dagdagan pa ang tiwala sa sarili. Lucky number for today: 49

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung lagi ka na lamang maghihintay ng tamang pagkakataon para umaksyon, forever ka na lamang maghihintay. Nasa iyo ang sapat na kakayahan at kaalaman, kumilos na bago maunahan ng iba. Lucky number for today: 7

PISCES (February 19-March 20) – Ilang naranasan mo sa mga nagdaang araw ay hindi swak sa iyong panlasa at may iniwang pagkadismaya. ‘Wag magamda, mas magiging positibo na ang mga pangyayari. Wala ka nang dapat ipag-alala kaya gawin na ang nararapat. Lucky number for today: 23

ARIES (March 21-April 19) – Maging alerto at ‘wag i-take for granted ang anumang ginagawa. Hindi naman lahat ay nag-aabang ng iyong pagbagsak pero merong isa o dalawang indibidwal na posibleng gumawa ng hindi maganda kaya magi­ging mapagbantay. Lucky number for today: 17

Related Posts

TAURUS (April 20-May 20) – Mag-isip kung paano mo mai-improve ang iyong relas­yon. Maging mapagbantay sa mensaheng hindi masabi-sabi. Pag-aralan ang ikinikilos ng iyong mahal at makikita mong nahihiya lamang siyang diretsahin ka. Lucky number for today: 9

GEMINI (May 21-June 20) – Walang ‘nagkataon lamang’. Sa halip, ang mga nangyayari ay sadyang itinakda. Tanggapin na meron talagang hindi mo kayang pigilan kaya ‘wag masyadong sisihin ang sarili. Lucky number for today: 13

CANCER (June 21-July 22) – Hindi na­ging madali ang mga nagdaang araw para sa iyo. Pero ngayon ay mag-uumpisa na muling pumabor sa iyo ang mga pangyayari. May dagdag na inspirasyon dulot ng pag-ibig. Lucky number for today: 11

LEO (July 23-August 22) – Maaari kang ma­ging mas sensitibo nga­yon kaya lahat ng sinasabi sa iyo ay itinuturing mong kritisismo. Isipin mo muna kung ang nagsasalita ay nagmamalasakit lamang at gusto kang tulungan. Lucky number for today: 45

VIRGO (August 23- September 22) – Iwasang masyadong maging seryoso at bigyang daan ang ilang pagkakataon para makapagsaya kasama ang mga kaibigan. Kailangan din ng isip ng pahinga at ito’y magagawa lamang kung makakapagrelaks ka. Lucky number for today: 58

LIBRA (September 23-October 22) – Maraming ideyang umiikot sa isip mo pero mananatiling ideya lamang ang mga ito kung wala kang ibang gagawin. Aksyon ang kaila­ngan sa araw na ito at sa mga susunod pa. Lucky number for today: 33

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy