Una sa Balita

Horoscope 10/23/2018

0 147

ARIES (March 21-April 19) – Maaring hindi maiwasan ang ilang aberya. Wag mag-alala, magbibigay-daan ito para mas mapaghandaan mo ang mga darating pang hamon. Sa aspeto ng romansa, wag payagan ang mga third party na sirain ang isang magandang samahan. Lucky number for today: 51

TAURUS (April 20-May 20) – Anumang isyung pinagdaananan mo ay tapos na. Nasa iyong kamay na ang kontrol para panatilihin ang balanse. Wag payagang lumaki ang problema kung kaya namang agapan. May malaking improvement sa aspeto ng romansa. Lucky number for today: 39

GEMINI (May 21-June20) – Mareresolba na ang ilang major issue na ilang panahon mo na ring kinikimkim. Iwasan lamang magrelaks upang agapan ang aberya na namumuo pa lamang. Posibleng may maliliit na isyung mamagitan sa iyo at sa partner mo sa buhay. Lucky number for today: 33

CANCER (June 21-July 22) – Sapat ang iyong mga pangarap kaya naman nasa tamang direksyon ka para makamit ito. Kailangan lamang ang palagiang pagrebisa sa mga plano upang maiwasan ang anumang hadlang. Kailangang panati­lihin ang magandang komunikasyon para sa lalo pang ikabubuti ng iyong pakiki­pagrelasyon. Lucky number for today: 22

LEO (July 23-August 22) – Nakakaapekto sa iyong mood ang mara­ming responsibilidad na may kinalaman sa iyong career. Iwasang makaapekto ito sa iyong relasyon. Hindi masamang ipaliwanag ang nangyayari sa iyong partner upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Lucky number for today: 41

VIRGO (August 23- September 22) – Maaaring hindi maiwasan ang isang komplikadong sitwasyon. Maari itong magdulot ng stress at maging ang pakikisama sa mga tao sa paligid ay maapektuhan. May komplikasyon din na puwedeng mangyari sa aspeto ng iyong lovelife kung hindi mag-iingat. Lucky number for today: 30

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Mas ma­tindi para sa iyo ngayon ang pressure. Marami kang kailangang unahing obligasyon na posibleng may kinalaman sa iyong personal na relasyon. Nasa iyo ang kontrol para baguhin ang isang nagiging komplikadong sitwasyon. Lucky number for today: 31

SCORPIO (October 23- November 21) – Mas madali ka ngayong bumigay. Kailangan mo ng sapat na pahinga para ganap na makapag-recharge. Mas makakapagpokus ka kung relaks ang iyong isip. Hindi masamang magplano ng isang bonding time kasama ang iyong mahal. Lucky number for today: 25

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maaring hindi maiwasan ang pagkadismaya pero hindi sapat ito para isuko mo ang laban. Alam mo kung ano ang mga ta­lento at kakayahan mo kaya gamitin ito para makamit ang mga goal mo sa buhay. Lucky number for today: 44

CAPRICORN (December 22-January 19) – Nakaka-stress ang dumaraming obligasyon sa buhay. Manatiling nakapokus at huwag magpatalo sa mga hamon. Kung hindi umubra ang isang plano, kailangang may nakareserbang alternatibo. Maging alerto sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 33

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang ilang isyung naiwan mong hindi nakasara sa nakaraan ang puwedeng maging isyu sa kasalukuyan. Makabu­buting harapin na ang mga ito at nang tuluyan nang makapag-move on. Patuloy silang magiging bagaheng pabigat kung hindi mo haharapin. Lucky number for today: 46

PISCES (February 19-March 20) – Ang lahat ng gusto mong gawin ay kakayanin. Kung may pagbabagong kailangang gawin, lakasan pa ang loob. Magkakaroon naman ng magandang improvement ang iyong lovelife. Lucky number for today: 43