Una sa Balita

Horoscope 10/22/2019

0 348

Jeff Goldblum

LIBRA (September 23-October 22) – Madali mong matutulungan ang mga taong nanga­ngailangan ng iyong tulong. ‘Wag ipagkait ang iyong atensyon sa mga taong nangangailangan sa iyo. Malaki ang magagawa mo para sa isang partikular na indibidwal. Lucky number for today: 26

SCORPIO (October 23-November 21) – Lahat tayo ay may takot na nararamdaman at may mga araw na mahirap itong pigilan. ‘Wag mong isipin na sa iyo lamang ito nangyayari. Lakas lamang ng loob ang kailangan. Lucky number for today: 36

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung desidido kang maabot ang tagumpay, panatilihing positibo ang iyong isip. Ang mga negatibong alalahanin ang lalong nagpapabigat sa iyong pakiramdam. Iwasan ding makipagtalo. Lucky number for today: 19

CAPRICORN (December 22-January 19) – Samantalahin ang pagkakataong ihahatid ng araw na ito. Merong isang bagay o prebilehiyo na puwedeng bawiin­ sa iyo. Sa halip na ma­ging negatibo, isipin na kaya mo itong lagpa­san. Lucky number for today: 47

AQUA­RIUS (January 20-February 18) – Isang kaibigan ang magbibigay daan para matanggap mo ang isang katotohanan. Hindi rin masamang dumistansya muna sa maraming tao para ganap na makapag-isip at maihanda ang iyong sa­rili. Lucky number for today: 36

PISCES (February 19-March 20) – Nararamdaman mo ang sakit ng kalooban na nararamdaman ng ilang taong malapit sa iyo. Pero ‘wag masyadong paapekto. Tulungan na lamang sila sa abot ng iyong makakaya. Lucky number for today: 19

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

ARIES (March 21-April 19) – Maganda ang takbo ng anumang relasyon sa araw na ito at maging sa mga susunod pa. Kung gustong ma­natiling kalmado ang lahat, ‘wag makinig sa sasa­bihin ng iba. Lucky number for today: 55

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi mahalaga kung hindi naging maayos para sa iyo ang nagdaang linggo. Mabilis kang makakabawi dahil may taong tutulong sa iyo. Pakinggan ang kanyang mga payo at opinyon lalo na sa mga bagay na wala ka pang masyadong karanasan. Lucky number for today: 22

GEMINI (May 21-June 20) – Gawin ang nais mong gawin sa araw na ito. Iwasan lamang magpuyat dahil makakasama ito sa kalusugan. Ang mangyayari ay hindi mapipigilan kaya manati­ling nakahanda. Lucky number for today: 58

CANCER (June 21-July 22) – Ang disiplina na pinairal sa mga nagdaang araw ay nagbunga na. Ipakita sa mga tao sa iyong paligid na kaya mong manatiling kalmado. Maging isang mabu­ting halimbawa. Lucky number for today: 3

LEO (July 23-August 22) – Naging madrama ang iyong buhay sa mga nagdaang araw. Ang papalapit na pagbabago ay magdadala ng mga bagong hamon pero kaya mo itong harapin. Lucky number for today: 4

VIRGO (August 23-September 22) – Isang pangyayari sa iyong lovelife ang makakatulong sa ‘yo na bumawi sa mga nagdaang masalimuot na mga sitwasyon. Sikaping manatiling kalmado at iwasang maging emosyonal. Lucky number for today: 15

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy