Una sa Balita

Horoscope 10/21/2019

0 316

LIBRA (September 23-October 22) – Kung nais mong ­makuha ang atensyon ng isang taong nasa tamang ­posisyon para tulungan ka, ­ngayon ito gawin. Makukuha mo ang kanyang ­pagtitiwala maging ng iba pang tao sa paligid mo. Lucky number for today: 37

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang taong matagal mong pinagtiwalaan ang makikita mong hindi nagiging totoo sa iyo. Maaaring maging daan ito para tuluyang ­mawala ang iyong respeto sa taong ito na matagal mo ring tinitingala. Lucky number for today: 57

SAGITTARIUS (November 22-December 21) –Ang mga pagbabagong matagal mo nang sinimulan ay ­magpapakita na ngayon ng magandang resulta. Ang ­dedikasyong ibinuhos mo ay aani na ng mga papuri at ­pagkilala. Lucky number for today: 15

CAPRICORN (December 22-January 19) – Inaakala mong hindi ­dapat ang mga ginawa mo sa nagdaang araw. Hindi ito ­totoo at ­mapapatunayan mo sa mga ­susunod na araw na ­hindi nasayang ang ­pagsasakripisyong ­ibinigay mo. Lucky number for ­today: 42

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang takot at pangamba ang pumipigil sa iyo na gawin ang tama. ­Maaaring may ­masaktan sa ­paligid mo. Ngunit kung ­hindi ka ­kikilos, ­walang ­pagbabagong ­magaganap. Lucky number for today: 4

PISCES ­(February 19-March 20) – Ilang kaguluhan at ­kalituhan ang ­hindi ­maiiwasan sa iyong ­personal na ­buhay lalo na sa ­pagtatrabaho. May ­pagbabagong ­hindi mo maiiwasan. Sa ­kalaunan, ­mapapatunayan mong wala kang dapat ­ikatakot. Lucky number for today: 11

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

ARIES (March 21-April 19) – Panindigan at ­ipaglaban ang iyong ­karapatan. Posibleng ­kailanganin mo ring ipagtanggol ang karapatan ng mga taong malapit sa puso mo na ­walang ­kakayahang ­ipaglaban ang kanilang ­sarili. Lucky number for today: 8

TAURUS (April 20-May 20) – Iikot sa ­romansa ang mga pangyayari ngayong araw na ito at sa mga susunod pa. ­Posible nga lamang na maging obsessed ka sa tao at mapabayaan mo na ang mga dapat mong gawin. Lucky number for today: 57

GEMINI (May 21-June 20) – Isang ­bagay na ­matagal mo nang ayaw pakawalan ang ­kailangan na ­talagang bitawan ngayon. Sa halip na ­makaramdam ng ­kawalan, mas ­makakahinga ka nang maluwag at ­mare-realize mong matagal mo na itong dapat ginawa. Lucky number for ­today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Isang ­relasyon na naging masalimuot sa mga nagdaang araw ang ­magiging ­maayos na. ­Matatanggap mo na ang mga ­kaibahan mo sa iyong mahal. Dito ­nag-uumpisa ang ­pag-unawa sa isa’t isa. Lucky number for ­today: 49

LEO (July 23-­August 22) – Mas lalo pang matatambak ang iyong mga ­trabahong ­kailangan tapusin. Sa kabila nito, may ­oportunidad ka para patunayan ang iyong kakayahan. At mas mapapansin ka ng mga nakatataas ng ­posisyon. Lucky number for ­today: 13

VIRGO (August 23- September 22) – Mas magiging creative ka ngayon at magagamit ito sa isang proyektong matagal mo nang dapat ginawa. Mapanghamon ang mga unang araw pero kailangan mo itong tiisin at lagpasan. Lucky number for today: 49

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy