Una sa Balita

Horoscope 10/21/2018

0 137

ARIES (March 21-April 19) – Para mas mai-push ang iyong mga ambisyon na may kinalaman sa iyong career, dapat munang mag-low profile. Dagdagan pa ang iyong mga kaalaman habang naghihintay ng tamang pagkakataon. Kailangan lamang panatilihing bukas ang iyong mga mata at alerto ang iyong tainga para sa mga mabubuksang oportunidad. Lucky number for today: 9.

TAURUS
 (April 20-May 20) – May oportuni­dad na makilala mo ang isang misteryosong indibiduwal. Isang magandang pagkakataon ito para sa mga single. Sa aspeto ng iyong career, hindi masamang ibahagi ang iyong kaalaman sa mga nakababata sa iyo. Lucky number for today: 11.

GEMINI (May 21-June 20) – Magsubi muna ng pera kaysa gumastos dahil kakailanganin mo ito para sa mga darating na araw. May partner man o wala, malakas ang karisma mo sa opposite sex sa araw na ito. Kung may commitment na, mas makabubu­ting maagang dumistansya sa mga potensyal na admirer. Lucky number for today: 16.

CANCER (June 21-July 22) – Iwasang umasa sa ibang tao. Kailangang ma­laki rin ang maging kontribusyon mo sa trabaho. May hatid namang sorpresa sa aspeto ng romansa. Kung meron kang crush at hindi ka pa naman committed sa sinuman, hindi masamang magpahaging sa iyong nararamdaman. Lucky number for today: 4.

LEO (July 23-August 22) – Kakailanganin mong ibuhos ang iyong effort pagdating sa isang project o trabaho. May kapalit naman itong magandang epekto na makakatulong sa ilang isyung pinansyal. Lucky number for today: 7.

VIRGO (August 23- September 22) – Paborableng araw ito kung tungkol sa arts ang pag-uusapan. Ipakita ang iyong creative side at marami ang mapapahanga. Posible rin itong magbukas ng isang oportunidad na puwedeng makadagdag sa iyong income. Lucky number for today: 53.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Posibleng maging isyu ngayon ang problema ng isang kaanak. Maaaring may kinalaman ito sa paglipat ng lugar. Manatiling posi­tibo, makukuha mo ang kakailanganin mong pag-alalay. Lucky number for today: 4.

SCORPIO (October 23-November 21) – Magbibigay ng mala­king benepisyo ang isang kontrata na inilalapit sa iyo. Bukod sa dagdag na income, mas magkakaroon ka rin ng panahon para makapagrelaks at makapag-travel. Bigyan din ng pansin ang iyong “me time” para i-pamper ang sarili. Lucky number for today: 6.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kailangan ng masusing plano para walang mangyaring aber­ya sa isang proyektong may kinalaman sa aspetong pinansyal. Lumayo muna sa anumang uri ng distraksyon para mas makapag-isip. Lucky number for today: 12.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa anumang aspeto, kailangan ngayong maghinay-hinay para matiyak ang panalo. May positibong benepisyo rin ang pakikisalamuha sa mas malaking grupo. Lucky number for today: 24.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Sa pagkakataong ito, mas makakapagdulot ng benepisyo kung solo-solo muna ang diskarteng gagawin mo. Gamitin ang iyong charm para makuha ang target mo. Mala­king pera ang nakasalalay. Lucky number for today: 50.

PISCES (February 19-March 20) – Hindi mo kailangan ng mara­ming kaibigan kung wala namang sinseridad ang iba. Hindi na baleng kakaunti kung meron namang kalidad. Magtapon na ng mga bagaheng pampabigat lamang sa buhay. Lucky number for today: 22.