Una sa Balita

Horoscope 10/21/18

0 122

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang magbigay agad ng konklusyon kung hindi mo pa alam ang buong kuwento. May kalituhan sa paligid pero hindi naman ito magtatagal. Malalaman mo rin ang katotohanan kaya kontro­lin muna ang anumang reaksyon. Lucky number for today: 48

TAURUS (April 20-May 20) – Dagdag pang res­ponsibilidad ang ipapasa sa balikat mo ngayon. Kailangan mong magpaka-mature dahil may mga taong umaasa sa iyo. Ilang isyu sa personal na buhay mo ang magkakaroon ng linaw ngayon. Lucky number for today: 20

GEMINI (May 21-June 20) – May positibong impluwensya na magbubukas ng daan para makapag-level up ka ngayon. Wala nang atrasan patungo sa iyong mga pangarap at ambisyon. Magdudulot ng kasiyahan ang tuluyang pag-move on. Lucky number for today: 47

CANCER (June 21-July 22) – May ilang distraksyon at ito’y mula sa nararamdamang pressure. May ilang rush na pagde­desisyon na kailangang gawin. Sa aspeto ng romansa, mas magiging close ka sa iyong partner o potensyal na kapareha. Lucky number for today: 34

LEO (July 23-August 22) – May tendency ka ngayon na palakihin ang mga maliliit na isyu lamang.­ Distansya muna. Kailangang kontrolin ang bugso ng emosyon. Pagda­ting sa relasyon, kailangan mo ng major-major na adjustment para matiyak na hindi magigiba ang ilang isyu ang magandang sama­han. Lucky number for today: 55
VIRGO (August 23- September 22) – May mga hadlang sa iyong mga plano kaya importante, sa lahat ng pagkakataon, ang pagkakaroon ng Plan B. Dagdagan pa ang pasensya at pagtitiyaga, maaabot mo rin ang mga target mo. Lucky number for today: 26

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Maraming­ obligasyon ang tila nagkakapatong-patong na kaya nagdudulot ito ng stress. Kailangan mong makapagrelaks kahit sandali. Isama ang iyong mahal at libangin muna ang isip para ganap na makapag-recharge. Lucky number for today: 55

SCORPIO (October 23- November 21) – Mataas ang kumpiyansa mo sa sarili at makakatulong ito para makamit mo agad ang iyong mga goals. Alam mo kung ano ang gusto mo at alam mo rin ang limitasyon ng iyong kakayahan. Sa aspeto ng romansa, bigyan ng special time ang iyong mahal. Lucky number for today: 58

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kailangang maging alerto ngayon dahil mas madali kang magkamali kaysa karaniwan. Iwasan din munang gumawa ng desisyon kung hindi ka sigurado sa pinapasok mo. Sa aspeto ng romansa, kontrolin din ang emosyon dahil posibleng makapagsabi ka ng masakit at mahihirapan kang bawiin ito. Lucky number for today: 30

CAPRICORN (December 22-January 19) – ‘Wag magpatangay sa sobrang excitement dahil maaari kang makagawa ng bagay na puwede mong pagsisihan sa mga susunod na araw. Pinapaboran naman ang pakikipagrelasyon lalo na sa mga single pa lamang. Lucky number for today: 50

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kailangan mo ng tagapayo para sa mga plano mong may kinalaman sa malayo-layo pang hinaharap. Magandang araw naman ito para sa aspeto ng romansa. Maraming magagan­dang planong mabubuo kasama ang iyong mahal. Lucky number for today: 28

PISCES (February 19-March 20) – Ang anumang pressure sa nakaraang araw ay patapos na. Manatiling kalmado sa lahat ng pagkakataon. Bago umaksyon, siguraduhing sumusunod ka sa plano. Ang aspeto ng romansa ay dapat ding pagtuunan ng pansin. Lucky number for today: 52