Una sa Balita

Horoscope 10/20/2019

0 410

LIBRA (September 23-October 22) – Maraming dahilan para maging masaya ka ngayong araw na ito. At habang nagsasaya ka, lalo namang nai-insecure ang iyong mga kritiko. Lucky number for today: 44

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas pipiliin mo ngayong dumistansya sa karamihan. Gamitin ang araw na ito para mas makapag-isip sa mga plano mo. Makapaghihintay ang mga taong na­ngangailangan sa iyo. Lucky number for today: 23

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ang hinihintay mong pagkakataon ay dumating na. Gamitin ang araw na ito para tuluyang maisulong ang matagal mo nang pinaghahandaan. Lucky number for today: 12

CAPRICORN (December 22-January 19) – May isa o dalawang insidenteng nagdulot ng pagkadismaya sa mga nagdaang araw. Pero ngayon ay mag-uumpisa ka nang maka­bawi. Parating na ang mga positibong pangyayari. Lucky number for today: 36

AQUARIUS (January 20-February 18) – May mga challenge sa iyong daan pero mag-e-enjoy ka. Ipaunawa sa iyong partner na kailangan mo muna itong pagdaanan. Makapaghihintay siya kung nauunawaan niya ang bawat ginagawa mo. Lucky number for today: 54

PISCES (February 19-March 20) – Pinapaboran ngayon ang anumang partnership. May pagkakaiba ng opinyon pero madali lamang itong matatanggap. Makukuha rin ang kooperayson na hanap mo. Lucky number for today: 18

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

ARIES (March 21-April 19) – May ilang pagkakamali sa mga nagdaang araw pero hindi ito dahilan para kaawaan ang sari­li. Manatiling positibo at magpokus sa kinabukasan. Ang kahapon ay gamitin bilang leksyon lamang. Lucky number for today: 30

TAURUS (April 20-May 20) – Anumang gusto mong makuha ay may posibilidad. Kaila­ngan mo lamang gumawa ng ilang sakripisyo para magawa ito. Lucky number for today: 46

GEMINI (May 21-June 20) – Lahat ay ginagawa mo para sa ibang tao pero kadalasan ay walang natatanggap na anumang pasasalamat. Sa halip na magpagod sa pagbibigay sa kanila, unahin muna ngayon ang iyong sarili. Lucky number for today: 28

CANCER (June 21-July 22) – Magpokus kung paano mapapagbuti ang iyong kasalukuyan. Unti-unti ay malalagpasan ang mga aberyang tila pilit inilalagay sa iyong daan. Magtiwala sa sariling kakayahan. Lucky number for today: 17

LEO (July 23-August 22) – Inaakala ng ibang tao na masyado mong itinataas ang iyong ambisyon. Pero mapapatunayan mong kaya mo at sapat ang iyong determinasyon. Sa mga single, makukuha mo na ang atensyon ng taong matagal mo nang pinag-iinteresan. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi masamang taasan ang pangarap pero balansehin mo rin kung ano ang nagiging kapalit nito sa buhay mo. Posibleng hindi agad makaunawa ang iyong partner. Lucky number for today: 12

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy