Una sa Balita

Horoscope 10/18/2019

0 428

LIBRA ­(September 23-October 22) – ­Huwag pansinin ang mga paninira sa’yo. ­Naiinggit lamang ang mga taong nagpapanggap na kritiko. Huwag silang pa­tulan at manatiling mahinahon. Lucky number for today: 40

SCORPIO (October 23-­November 21) – Minamadali mo ang halos ­lahat ng ­gawain. Sa araw na ito, mas kailangan mong maghinay-hinay. Bigyang pansin ang ­kalusugan. Lucky number for today: 50

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Subukang ibaling ang isip sa mahahalagang bagay. May tao na ­gustong magpapansin sa’yo pero isang ­pag-aaksaya lamang ng oras kung pagbibigyan mo siya. Lucky number for today: 5

CAPRICORN (December 22-­January 19) – Ang kalaban mo ay ang iyong ­sarili. ­Natatakot ka sa isang pagbabagong ­kailangan mong gawin. Gawin ito bago maging ­masalimuot ang sitwasyon. Lucky number for today: 12

AQUARIUS (January 20-­February 18) – Hindi lang sipag ang kailangan sa ­buhay. Higit na mahalaga ang tamang ­diskarte. Lucky number for today: 26

PISCES (February 19-March 20) – Makiramdam sa paligid lalo na kung ­tungkol sa pera. Kung hindi ito papansinin baka ­magtampo sa’yo ang grasya. Lucky number for today: 56

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

ARIES (March 21-April 19) – Kung may magagawa ka para mapasaya ang ibang tao, ‘wag itong ipagkait sa kanila. ­Napakaliit na bagay ito kung titingnan mo pero may malaking tulong sa kanila. Lucky number for today: 36

TAURUS (April 20-May 20) – Alam mo ang gusto mong gawin pero mas iniisip mo ang sasabihin ng iba. Kung tiyak mo sa sarili mo na ito ang tunay mong gusto, kumilos ka. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June 20) – ­Mahirap para sa iyo ngayon ang magpatalo sa anumang diskusyon kahit nararamdaman mong tama sila. Ang mali ay hindi magiging tama kahit pa ipagpilitan mo ito. Makinig sa payo ng mga taong nagmamalasakit lamang sa iyo. Lucky number for today: 22

CANCER (June 21-July 22) – ­Maaaring nagdududa ka sa isang kailangan mong gawin pero ang pagdududang ito ay dahil mas pinakikinggan mo ang sinasabi ng iba. Sa pagkakataong ito, aksyon ang importante. Lucky number for today: 5

LEO (July 23-August 22) – ­Pag-isipang mabuti ang mga desisyon at matutong tumanggi. Hindi lahat ng taong lumalapit sa iyo ay kailangan mong pagbigyan. May pagkakataong mas makakatulong ka kung titiisin mo sila. Lucky number for today: 32

VIRGO (August 23-September 22) – Suwerte ka sa mga nakalipas na araw at ­magpapatuloy ito ngayon. Samantalahin ang pagpabor ng kapalaran. Hindi rin ito ang araw para katamaran ang isang trabahong ilang araw mo nang binabalak umpisahan. Lucky number for today: 16

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy