Una sa Balita

Horoscope 10/18/2018

0 214

ARIES (March 21-April 19) – Kailangan mong pumili sa subok na at sa isang bago pa lamang susubukan. May hatid na takot ang pagdedesisyon. Piliin kung alin ang higit na matimbang sa iyong puso. ‘Wag payagang ang takot ang maging rason sa iyong bibitawang desisyon. Lucky number for today: 30 

TAURUS (April 20-May 20) – Isang kaibigan ang nagdudulot ng kalituhan sa buhay mo. Masyadong intense ang kanyang epek­to sa iyo. Posible kayang isang bagong atraksyon ito? Kung meron ka nang commitment, malaking komplikasyon ang ihahatid nito kaya piliin na muna ang pagdistansya. Lucky number for today: 18 

GEMINI (May 21-June20) – Maari kang malunod sa kasikatan ng isang taong malapit sa iyo. May opsyon ka para patuloy na tumayo sa kanyang likuran o dumistansya muna para hanapin ang sarili mong tagumpay. Wag matakot mapag-isa. Lucky number for today: 30 

CANCER (June 21-July 22) – Isang pakikipag-usap sa iyong mahal ang may hatid na kirot sa emosyon. Maging maingat sa pagbubukas ng iyong mga kuwestyon. Posibleng pagmulan ng hindi pagkakaunawaan ang bugso ng emosyon kung hindi ito kokontrolin. Lucky number for today: 31 

LEO (July 23-August 22) – Makakatulong ang impormasyon o leksyong natutunan sa nakaraan para maresolba ang isyung kinakaharap sa kasalukuyan. Bigyang pansin din ang kalusugan. Wag balewalain ang mga nararamdaman. Lucky number for today: 55 

VIRGO (August 23- September 22) – Kailangan mo ngayon ng ekstrang atensyon. Kung hindi ito naibibigay ng iyong mahal, baka kaila­ngan mo na siyang i-remind. Kung patuloy na mananahimik ay ikaw lamang ang mahihirapan. Lucky number for today: 47

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Kung nakakaramdam ng stress, lagi ka namang may opsyon para dumistansya muna sa anumang pinagkakaabalahan para ganap na maipahinga ang isip. Isang kaibigan ang matagal nang may inilalapit sa iyo, bigyan ng panahon ang kanyang hinaing. Lucky number for today: 56 

SCORPIO (October 23- November 21) – Mag-ingat na sa paghahangad mong makuha ang isang gusto mo ay makaapak ka na ng ibang tao. Distansya muna, posibleng hindi mo naman kailangan ito. Pag-aralan ang iba pang opsyon sa iyong harapan. Lucky number for today: 23 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ang patuloy na paglingon sa nakaraan ay nakakapagpabagal sa iyo. Hindi laging maaasahan ang iyong mga alaala. Ilan sa mga ito ay bunga na lamang ng desperasyon. Piliing magpa­katotoo. Lucky number for today: 27

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang kaibigan ang labis na umaasa sa iyo para magawa ang lahat ng kinakailangan. Hindi masamang tumulong ngunit kung ikaw na ang gumagawa ng lahat, sa pangkalahatan ay tinuturuan mo lamang siyang maging dependent sa iyo. Kailangan ng isang pakikipag-usap. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – May hatid na sakit ng ulo ang mga pakikipagharap sa ilang nakakataas sa iyo ng posisyon. Mas nagi­ging paranoid ka rin sa mga isyung may kinalaman sa trabaho. Magrelaks muna at nang makaiwas sa tensyonadong sitwasyon. Lucky number for today: 36

PISCES (February 19-March 20) – Maa­ring hindi pumabor sa iyo ang araw na ito. Pero sandal lamang ang mga komplikasyon dahil magbubukas naman ito ng mga bagong oportunidad na higit mong mapapakinabangan. Lucky number for today: 17