Una sa Balita

Horoscope 10/17/2019

0 449

LIBRA (September 23- October 22) – Sa araw na ito, hindi ­paborable ang mga last minute na ­pagbabago maging ito ay may kinalaman sa iyong career o sa iyong ­personal na buhay. ­Posibleng ­layuan ka ng kaibigan kung ­pabago-bago ka ng desisyon. Lucky number for today: 44

SCORPIO (October 23- November 21) – Masya­do kang nag-aalala sa isang sitwasyon. Subukan mo munang idistansya ang iyong sarili para mapag-isipan mo kung may dapat ka nga bang ipag-alala. Lucky number for today: 38

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Wala ka sa mood na i-discuss sa ibang tao ­kahit pa sa partner mo ang mga isyung ­gumugulo sa iyong isip. Pero kailangan mo ng suporta kaya ­umpisahan na ang ­pagpapaliwanag. Lucky number for today: 19

CAPRICORN (December 22-January 19) – May mga taong ipinagpipilitan ang kanilang paniniwala. Hindi lahat ng ­sinasabi nila ay totoo. Mas mararamdaman mo ito sa sarili mo. Lucky number for today: 12

AQUARIUS ­(January 20-February 18) – Iwasang mainip. At ­iwasan ding mapikon o mag-init ang ulo. Hindi lahat ng tao ay seryoso. May kanya-kanyang interes ang bawat isa at malaki ang epekto nito sa ipinupursige mo. Lucky number for today: 33

PISCES (February 19-March 20) – ­Gusto mo mang manatili sa iyong comfort zone, sa pagkakataong ito ay kailangan mong maging mas mapangahas at makipagsapalaran. Kung patuloy mong katatakutan ang pagbabago, mananatili ka sa iisang posisyon. Lucky number for today: 2

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

ARIES (March 21-April 19) – Kung isang taong hindi mo naman masyadong kilala ang biglang magpapakita ng ­atensyon sa iyo, kailangan mong umalerto lalo na kung may kinalaman ito sa ­negosyo o anumang pagkaka­kitaan. ‘Wag magpadala sa matatamis na ­pangako. Lucky number for today: 36

TAURUS (April 20-May 20) – Kung dati ay masya­do kang sweet at ­madaling pakisamahan, kabaligtaran ito ngayong araw na ito. Madali ka lamang maubusan ng pasensya lalo na kung ­hindi nagagawa ng taong ­kaharap mo ang ini-expect mo mula sa kanya. Lucky number for today: 11

GEMINI (May 21-June 20) – Dumistansya pansamantala para ­pag-aralan kung tama ang mga ­naila­tag mong aksyon. Posibleng may mga ­huling pagbabago at adjustment na kailangan mong ipatupad. Lucky number for ­today: 51

CANCER (June 21-July 22) – Iwasang mapikon sa mga pangyayaring wala naman talaga sa iyong kontrol. Makabubuting tanggapin na hindi ­lahat ay pumapabor sa iyo. Darating din ang araw na laan sa iyo kaya habaan pa ang pasensya. Lucky number for today: 16

LEO (July 23-August 22) – Nauubusan ka ng panahon para maki­pagsaya sa iyong mga ­kaibigan. Mas ­maraming importanteng ­isyung ­kailangan munang ­harapin. Makakaunawa ang mga kaibigan. Lucky number for today: 58

VIRGO (August 23- September 22) – ­Hindi mo na kailangang mag­hangad ng mas ­marami dahil sapat na ang hawak mo ngayon. ‘Wag mong ikumpara lahat ng pangyayari sa iyo sa ibang tao kung mangangahulugan naman ito na masyado mong pahihirapan ang ­sarili mo. Lucky number for today: 13

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy