Una sa Balita

Horoscope 10/16/2019

0 373

LIBRA (September 23-October 22) – Malulutas ang problema na darating. ­Bilang isang Libra kaya mong harapin ito. ‘Wag nang patagalin ang paghahanap ng solusyon. Lucky number for today: 24

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang relasyon na inakala mong wala nang pag-asang mabuo muli ang mabibigyan ng ikalawang pagkakataon. Maniwala kang may himala. Lucky number for today: 18

SAGITTARIUS (November 22-­December 21) – ‘Wag nang balikan pa ang nakaraan, ‘wag nang buhayin pa ang isang namatay o natuldukan na. kailangang magsimula muli at kalimutan ang nakalipas. Lucky number for today: 58

CAPRICORN (December 22-­January 19) – Pinag-iisipan mo pa ang mga isyu na nagdaan. Mag-relax nang bahagya at ­subukang ibaling sa iba ang isip. Paborable ang isang pagbabakasyon. Lucky number for today: 22

AQUARIUS (January 20-February 18) – ‘Wag matakot na subukan ang isang bagay kahit na mahirap ito. Alalahaning sa umpisa lamang mahirap ang lahat. ­Marami ang makakapansin sa isang pagbabagong ­inuumpisahan mo. Lucky number for today: 6

PISCES (February 19-March 20) – Isang taong may mas malawak na ­karanasan ang may magandang maipapayo sa iyo ­ngayon. Makinig at magtiwala para ‘di ka mapahamak. Lucky number for today: 7

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

ARIES (March 21-April 19) – Sa ­aspeto ng lovelife, may posibilidad ang isang ­tampuhan. Mabuting mag-usap nang ­mahinahon para maisalba ang relasyon. Lucky number for today: 6

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag magpaasa ng ibang tao lalo na kung may ­kinalaman ito sa pag-ibig. Sa ­pakikipagkaibigan, hindi ­lahat ng ­nagpapakilalang kaibigan ay may mabuting intensyon sa’yo. Lucky number for today: 5

GEMINI (May 21-June 20) – Mahihi­rapan ka ngayon sa ilang gawain pero ­magbibigay ito sa iyo ng bagong ­karanasan. ­Tandaan ang leksyong natutuhan. Lucky ­number for today: 57

CANCER (June 21-July 22) – ­Maaaring mapagsabihan ka ng isang mas nakakataas sa’yo ng posisyon. Kailangang tanggapin ito nang maluwag sa iyong ­dibdib. Sa kalaunan, makabubuti rin ito para sa iyo. Lucky number for today: 28

LEO (July 23-August 22) – Mas ma­buting manatili sa bahay kaysa magliwaliw. Mas magiging kapakipakinabang ang araw na ito kung itututok mo muna sa mga seryosong bagay. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23-September 22) – May pagkakataong nahihirapan kang ­unawain ang mga tao sa paligid mo. Pero sa araw na ito, mas madali mo lamang makuha ang ibig nilang ipaunawa sa’yo. Lucky ­number for today: 31

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy