Una sa Balita

Horoscope 10/15/2019

0 372

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi nalalayo ang isang pagkilala o maaaring promosyon sa trabaho. Hindi masamang magsaya sa tagumpay na nakakamit. Lucky number for today: 23

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang pagiging abala sa mga nag daang araw ang dahilan ng iyong pang­hihina. Magpahi­nga at bigyang pansin ang kalusugan. ‘Wag ipagwalang bahala ang mga nararamdaman sa katawan. Lucky number for today: 14

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi sang-ayon ang kapalaran sa nais mong gawin. Kung talagang determinado ka, maging handa sa mga hamon na ihahatid nito sa buhay mo. Tiwala lamang at makukuha mo ito sa tiyaga. Lucky number for today: 26

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Subukang gawin ang ibang bagay para malaman ang iyong limitasyon at ang iyong kakayahan. Gawin ito ng buong tapang para magtagumpay. Lucky number for today: 8

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Isang Libra ang magpapaganda ng araw mo pero isang Aries naman ang sisira nito. Hindi maiiwasang makapagsalita nang masakit sa taong mas nakakataas sa ‘yo. Lucky number for today: 37

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag seryosohin ang ilang bagay na wala naman talagang kabuluhan. Tingnan at pag-isipan ang mahahalagang isyu lamang. Maging simple sa buhay. Lucky number for today: 43

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

ARIES (March 21-April 19) – ‘Wag magtaka kung medyo emosyonal ka sa mga susunod na araw. Sikaping kontrolin ang gustong sabihin at gustong gawin upang hindi makagawa ng anumang pagsisisihan mo. Lucky number for today: 32

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi sa lahat ng oras ay nasa tama ka. Iwasang personalin ang lahat ng komento para hindi ka maging negatibo sa buong linggong ito. ‘Wag mag-alala magiging maayos din ang lahat. Lucky number for today: 19

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasang mangako kung hindi mo tiyak kung ito’y kaya mong matupad. Hindi mo gugustuhing magpaasa at maging dahilan para masaktan ang ibang tao. Lucky number for today: 9

CANCER (June 21-July 22) – Maaring nagsisikap ka sa mga ginagawa mo. Pero dapat ding tanggapin na hindi lahat ay bilib sa ‘yo. Bagama’t nakakainis ang mga paninirang naririnig, makabubuting kontrolin ang emosyon. Lucky number for today: 3

LEO (July 23-August 22) – Maniwala na kaya mong magbago para sa kabutihan mo. Umpisahan na ito ngayon pa lamang. Lucky number for today: 39

VIRGO (August 23-September 22) – Isiping mabuti ang bawat pagkakagastusan. Maging masinop­ sa pera dahil may malaki kang pagka­kagastusan sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 54

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy