Una sa Balita

Horoscope 10/15/2018

0 226

ARIES (March 21-April 19) – Mas mabigat para sa iyo ngayon ang umaksyon. Gayunpaman, kailangang labanan ang ganitong feeling dahil walang progresong makukuha kung uupo ka lamang at maghihintay. Iwanan muna ang iyong comfort zone. Makakadagdag sigla rin ang pagkakaroon ng bagong mapaglilibangan. Lucky number for today: 6

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi nalalayo ang isang pagbibiyahe kasama ang kapamilya. Maaring maigsi lamang ang biyaheng ito pero mas importansyang iiwan sa iyo. Magiging daan din ito para sa mas malalim na bonding sa iyong mga mahal sa buhay. Lucky number for today: 17

GEMINI (May 21-June 20) – Mas madali kang madismaya sa araw na ito dahil sa mga hadlang sa iyong landas. Dagdagan pa ang pasensya at iwasang mag-init ng ulo. Magagamit mo ang Plan B sa iyong mga plano. Lucky number for today: 53

CANCER (June 21-July 22) – Paborableng araw ito para magbiyahe kasama ang mga mahal sa buhay. Samantalahin ang pagkaka­taon para mas mapalapit sa iyong kapamilya. Bihirang dumating ang pagkakataon na nabibigyan mo sila ng quality time. Lucky number for today: 23

LEO (July 23-August 22) – Ang iyong pamilya ang iyong masasandalan at magbibigay sa iyo ng suporta sa anumang oras na kailangan mo sila. Makinig sa kanilang mga payo at suhestyon. Maaaring hindi lahat katanggap-tanggap ang kanilang mga sinasabi ngunit alam mong ito’y para sa iyong kabutihan. Lucky number for today: 29

VIRGO (August 23- September 22) – Ito ang pagkakataon na mas naghahanap ka ng totoong pagdamay at mararamdaman mo lamang ito sa iyong pamilya. Kung may importante kang dapat gawin, tapusin ito bago gumabi para sa positibong resulta. Lucky number for today: 13

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang magandang pagkakataon ang hatid ng araw na ito para maisaayos ang ilang masalimuot na sitwasyon sa iyong buhay. Nasa moderation ang susi para malusutan ang mga aberya. Alalahaning ang lahat ng sobra ay nakakasama. Lucky number for today: 18

SCORPIO (October 23- November 21) – May nararamdaman kang diskuntento at pagkadismaya. Hindi ito lisensya para ibunton ang init ng ulo sa ibang tao. ‘Wag mainip, sandali lamang ang ganitong mood at magbabalik din ang lahat sa normal. Lucky number for today: 55

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mas competitive ka sa araw na ito kumpara sa karaniwan. Mas kaya mo ring ipaglaban ang gusto mo. Iwasan lamang na may maapakan kang ibang tao para maisakatuparan ito. Lucky number for today: 6

CAPRICORN (December 22-January 19) – May ilang hamon na puwedeng pagdaanan. Maari ka ring malagay sa isang alanganing sitwasyon kung saan kakailanganin mo ang diplomasya para makalusot. Hindi ikaw ang ugat ng mga aberya pero hindi maiiwasang maapektuhan ka. Lucky number for today: 21

AQUARIUS (January 20-February 18) – Iwasan ang mga matitinding sitwasyon kung saan maaaring mawalan ka ng kontrol sa iyong emosyon. Iwasan ding ituring na personal ang mga nangyayari. Kontrolin ang kagustuhang makapagsalita dahil anumang masasakit na bitiwan mo ay hindi mo na mababawi. Lucky number for today: 13

PISCES (February 19-March 20) – Isang isyung legal na matagal nang nakakagulo sa iyo ang mareresolba at ang resulta ay papabor sa iyo. Maibabalik mo na sa normal ang sitwasyong matagal-tagal ding naging sentro ng iyong pagkabalisa. Oras na para mag-move on. Lucky number for today: 40