Una sa Balita

Horoscope 10/14/2018

0 166

ARIES (March 21-April 19) – Posibleng makagulo sa isip ang isang bagong impormasyon na matatanggap. Gayunpaman, positibo ang magiging epekto nito sa pangkalahatan. I-enjoy ang mga napipintong pagbabago. Lucky number for today: 15

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag munang isipin ang sasabihin ng iba. Kumilos nang ayon sa mga plano mo. May oportunidad na hindi dapat sayangin. Lakas ng loob ang tangi mong kailangan. Lucky number for today: 21

GEMINI (May 21-June 20) – May pagkakataong kapag nagpipilit tayong hanapin ang isang bagay ay lalo itong nagiging mailap. Ganito ngayon ang sitwasyon mo. ‘Wag madismaya dahil pansamantala lamang naman ito. Lucky number for today: 36

CANCER (June 21-July 22) – ‘Wag makunteno sa puwede na. Itaas ang goal pagdating sa relasyon. Kailangan mo ng heart to heart talk sa iyong partner kung nararamdaman mong marami na siyang pagkukulang. Lucky number for today: 9

LEO (July 23-August 22) – Iwasang maging unrealistic pagdating sa mga ini-expect mo sa iyong lovelife. Alalahaning walang taong perpekto. Tanggapin na meron din mga negatibo sa iyong mahal pero mas bigyan ng pokus ang kanyang mga positibong katangian. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23- September 22) – Nasa posisyon ka ngayon para maigiit ang mga gusto mo kung ipapakita mo lamang ang iyong determinasyon. Hindi mo kailangang maging popular sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 56

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Inaakala ng iba na madali ka lamang pasunurin subalit hindi nila alam na kaya mong magmatigas sa kahit anong pressure na ilatag sa iyo. Panindigan ang itinuturing mong tama at sa pagkakataong ito, sila ang mapapasunod mo. Lucky number for today: 1

SCORPIO (October 23-November 21) – Nararamdaman mong tila hindi ka akma sa isang sitwasyon. At hindi ka makakilos nang ayon sa nais mo. Isang taong hindi mo inaasahan ang aalalay sa iyo para malagpasan ang senaryong ito. Lucky number for today: 13

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Papatindi ang nararamdamang pisikal na atraksyon sa isang indibidwal na malapit lang sa iyo. Kung committed ka na, pag-isipang mabuti ang nararamdaman. Hindi lahat ng atraksyon ay pag-ibig. Lucky number for today: 44

CAPRICORN (December 22-January 19) – Posibleng ikonsidera ang isang bagong trabaho o bagong lilipatang tirahan. May kinalaman din ito sa isang nakaraan na gustong takasan o kalimutan. Sundin ang idinidikta ng puso. Lucky number for today: 55

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maari kang maging mas abala sa araw na ito. Kasama na rito ang mga pakikipag-usap na kailangan mong gawin. Isang malapit na kaibigan ang may malaking maitutulong. Lucky number for today: 46

PISCES (February 19-March 20) – Hindi malayong tuluyang matuon ang iyong isip tungo sa isang bagong direksyon. Ang isang dating pinanindigan ay pwede nang isantabi. May malalimang pag-uusap na pwedeng mangyari. Lucky number for today: 15