Una sa Balita

Horoscope 10/13/2018

0 150

ARIES (March 21-April 19) – Nakakadismaya ang ilang pangyayari sa iyong lovelife. Maaring maliliit na bagay lamang ito pero kapag nagkakasunod-sunod ay nangangailangan na ng sapat na atensyon. May kailangan kayong pag-usapan ng iyong partner. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Mas nauunawaan mo ngayon ang damdamin ng isang malapit na kaibigan o maaaring ng iyong partner sa buhay. Malinaw mong makikita kung saan siya nanggagaling. Posibleng magkaroon ng isang heart-to-heart talk. Lucky number for today: 58 

GEMINI (May 21-June 20) – Importanteng bigyang pansin ang kalusugan. Maging ang emosyon ay malaki ang naidudulot sa iyong pisikal na kalagayan. Ayusin muna ang mga isyu para mawala ang mga pabigat sa iyong landas. Lucky number for today: 1

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Nasa mood ka ngayon sa romansa. Kailangan mo ng dagdag na kulay sa iyong buhay at makukuha lamang ito sa iyong lovelife. Ang pagbibiyahe ay maaaring magdulot ng mas malalim na koneksyon. Lucky number for today: 17

LEO (July 23-August 22) – Anumang isyu sa loob ng bahay at pamilya ay magiging maayos na. Ang mga negatibong pangyayari ay unti-unti na ring mabubura. May dagdag na hamon sa iyong landas at kailangan itong malagpasan para maabot ang tagumpay. Lucky number for today: 31 

VIRGO (August 23- September 22) – Nasa aspeto ng komunikasyon ang susi ng araw na ito. May maitutulong ang social media para iparating ang gusto mong mensahe. Hindi masamang iparating ang iyong pasasalamat sa mga taong patuloy na nakaalalay sa iyo. Lucky number for today: 43 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ang inaakala mong limitasyon ang pumipigil sa iyo. Ang pangambang ito ang nagiging hadlang para sa tagumpay. Lakasan ang loob at isipin mong maraming taong naniniwala sa iyong kakayahan. Lucky number for today: 51 

SCORPIO (October 23-November 21) – Masyadong natututok ang iyong pansin at atensyon sa isang limitasyon na ikaw rin ang naglagay sa iyong daan. Posibleng kailangan mo nang isantabi ito at maging bukas sa mga nabubuksang bagong opsyon. Lucky number for today: 28 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Yes para sa mga bagong oportunidad. ‘Wag hayaang magsilbing hadlang sa iyong daan ang mga bagaheng dulot pa ng isang nakaraan. Kailangan mo nang mag-move on. Lucky number for today: 52 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang pakikitungo sa mga taong nakakataas ng posisyon ang dapat mong pag-ukulan ng pansin sa araw na ito. Hindi uubra ang pagmamatigas kung wala ka naman sa tamang posisyon. Makiayon muna at saka na kumontra. Lucky number for today: 14

AQUARIUS (January 20-February 18) – May pangangailangan din ta­yong ispiritwal at posibleng ito ang hinahanap ng iyong puso. Kung magaan ang puso, mas madaling magdesisyon, mas maaliwalas ang iyong landas. Maglaan ng ‘me time’ para mas makapag-isip. Lucky number for today: 20

PISCES (February 19-March 20) – May tila pumipigil sa iyo para mas ma-express ang iyong sari­li. Posibleng ito’y nagmumula sa isang isyung mula pa sa iyong nakaraan. May kailangan kang kausapin para mailagay sa ayos ang lahat. Lucky number for today: 35