Una sa Balita

Horoscope 10/13/19

0 321

LIBRA (September 23-October 22) – Mas madali mong maipopokus ang iyong energy sa iyong mga prayoridad kung didistansya sa isang taong nagmimistulang mala­king distraksyon sa buhay mo. Posible ring pagmulan ng isang pagseselos ang kanyang ipinakikitang interes sa iyo. Lucky number for today: 6

SCORPIO (October 23-November 21) – Inaakala ng iba na kalmado ka lamang dahil nagagawa mong kontrolin ang iyong emos­yon. Pero may isang sitwasyon na susubok sa iyong katatagan. Lucky number for today: 55

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mahihirapan ka ngayong pigilan ang iyong emosyon. Gusto mong makisali sa lahat kabilang na ang mga pakikipagdiskusyon. Iwasan lamang na masa­bit sa mga awayan dahil mahihirapan kang ayusin ang gusot. Lucky number for today: 19

CAPRICORN (December 22-January 19) – Importante sa iyo ang prinsipyo pero tandaan mo na hindi lahat ng tao ay may ganitong pananaw. Kailangan mo ring mag-adjust sa bawat sitwasyon. Lucky number for today: 41

AQUARIUS (January 20-February 18) – May mga taong iniisip na kaya ka nilang i-pressure pero dito sila nagkakamali. Isang malaking adventure ang buhay para sa iyo at mas lalo kang lumalakas sa mga pagsubok. Lucky number for today: 50

PISCES (February 19-March 20) – Bago ka makiayon sa isang proyekto na may kinalaman ang pera at ang pagbubuhos mo ng mas maraming oras at atensyon, humingi ka muna ng payo sa isang taong mas may malawak na karanasan. Mahirap nang mapasubo lalo’t marami ang puwedeng mawala sa iyo. Lucky number for today: 2

Related Posts

ARIES (March 21-April 19) – ‘Wag nang palakihin ang isang maliit na isyu lamang. Makakahanap ka lamang ng hindi kinakailangang tensyon kung papatulan ito. Dedma na sa mga petty issues na walang maitutulong sa iyo. Lucky number for today: 28

TAURUS (April 20-May 20) – Isang tao ang hindi magpapaawat sa pagtayong kritiko mo. Ayaw mo mang aminin, apektado ka na kaya bago ka tuluyang mapikon, dumistansya na lamang pansamantala. Lucky number for today: 33

GEMINI (May 21-June 20) – Maraming magagandang oportunidad na naghihintay sa iyo at mas umaangat ang iyong creativity. Tiyakin lamang na hindi ka mawawalan ng kontrol sa anumang prayoridad mo dahil marami ang distraksyon sa paligid. Lucky number for today: 54

CANCER (June 21-July 22) – May isang taong nagkakalat ng kasinungalingan laban sa iyo. Maging alerto sa kanyang mga pasiklab pero ‘wag patulan ang kanyang mga patutsada. Mas ikatutuwa niya ang bawat reaksyon mula sa iyo. Lucky number for today: 56

LEO (July 23-August 22) – Mataas pa rin ang iyong energy at pakiramdam mo ay sasabog ka dahil sa excitement. Kalma muna dahil mas malamang ang pagkakamali kung hindi mo kontrolado ang iyong emosyon. Lucky number for today: 17

VIRGO (August 23- September 22) – Maraming magagandang pangyayari sa iyong paligid. Pero may isa o dalawang nakakapagdulot ng alalahanin. Ma­ging handang umaksyon sa mga biglaan at hindi inaasahang insidente. Lucky number for today: 36

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy