Una sa Balita

Horoscope 10/12/2019

0 335

Happy birthday
HUGH JACKMAN

LIBRA (September 23-October 22) – Ikaw lamang ang naglalagay ng limitasyon sa sarili mo. Kung hindi ka magle-level up, ikaw rin ang madidismaya. Wala namang kokontra sa iyo kung talagang determinado ka. ‘Wag katakutan ang pagbabago. Lucky number for today: 30

SCORPIO (October 23-November 21) – Mahirap maging mabait sa lahat ng oras pero higit mo itong kailangang gawin ngayon. Sa harap ng isang challenging na indibidwal, kailangang magpakahinahon dahil ikaw ang talo kapag nagpadala ka sa bugso ng emosyon. Lucky number for today: 10

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi perpekto ang lahat kasama ka na. ‘Wag nang umasa ng perfection sa iba. Bigyang puwang ang kanilang pagkakamali dahil sa pagkakataong ito, wala kang ibang opsyon kundi lawakan pa ang pang-unawa. Lucky number for today: 4

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi lamang ikaw ang naghihintay ng positibong resulta kundi ang mga tao sa paligid mo. I­ngatan lamang na masyado mong bigyang prayoridad ang pangangailangan ng iba kaysa pangangailangan mo. Lucky number for today: 54

AQUARIUS (January 20-February 18) – Puwede kang maipit sa isang sitwasyon na tila napa­raming res­triksyon at limitas­yon. ‘Wag nang magpanik dahil ang susunod na araw naman ay puwede mong ibuhos sa pagrerelaks. Lucky number for today: 8

PISCES (February 19- March 20) – Relaks lamang ang araw na ito at marami kang oras para ibigay ang iyong atensyon sa mga taong nangangailangan sa iyo. Ilang kaibigan ang naghahanap ng iyong pagdamay. Lucky number for today: 8

Related Posts

ARIES (March 21-April 19) – Nagpapaalala na ang iyong mga kaibigan. Kailangan ding maghinay-hinay at bigyan ng sapat na pahina ang sarili. Hindi puwedeng lagi ka na lamang nagmamadali. Magrelaks ngayong weekend. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Mas madali mo lamang maunawaan ngayon ang mga pangyayari. ‘Wag mahiyang magtanong kung kinakailangan kahit pa sa mga sensitibong isyu. Ma­ging mas organisado sa iyong mga plano. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi pa ma­linaw kung ano ang tunay na gusto o pakay sa iyo ng isang indibidwal. ‘Wag nang pahirapan ang sarili sa pag-iisip, direkta siyang tanungin at nang magkalinawan. Lucky number for today: 3

CANCER (June 21-July 22) – Madaling magsalita pero mahirap patunayan ang iyong mga sinasabi sa pamamagitan ng gawa. Habaan pa ang pasensya sa mga taong hindi agad makaunawa. Lucky number for today: 1

LEO (July 23-August 22) – May epekto nga­yon ang iyong aksyon sa ilang kapamilya mo kaya ikonsidera mo rin ang kanilang reaksyon. Hindi mo puwedeng gawin ang lahat sa paraang gusto lalo na kung maraming apektado. Lucky number for today: 40

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi kataka-takang down ang mood mo ngayon. May mga aberyang nagpapabigat ng iyong kalooban. Gamitin ang dalawang araw na darating para ipahinga ang isip. Lucky number for today: 37

Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy