Una sa Balita

Horoscope 10/09/2019

0 363

ARIES (March 21-April 19) – Mahirap para sa iyo ngayon ang maging organisado. Wala ka sa mood dahil nasa isang espesyal na indibidwal ang isip mo. Magandang pagkakataon ito para sa mga single at naghahanap pa lamang ng mamahalin. Lucky number for today: 22

TAURUS (April 20-May 20) – May ­kalituhan ngayong araw na ito. ­Mahirap din para sa iyo ang magpokus sa isang ­bagay lamang dahil sa iba’t ibang distraksyon sa ­paligid. ­Alamin munang mabuti ang bawat panig ng pangyayari bago magdesisyon. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – ­Kalmado ­lamang ang emosyon mo ngayon. Kahit may mga ­taong tila pilit kang pinipikon, kalma ka ­lamang at walang planong ­pumatol. Ipagpatuloy ang ganitong attitude at mas marami kang maa-achieve. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – Matindi ang pokus mo ngayon. Nakalatag na rin ang iyong mga plano. May konting ­pangamba at ­pagdududa pero malalagpasan ito. Lucky number for today: 17

LEO (July 23-August 22) – Mataas ang iyong emosyon ngayon at ­madali kang masabak sa madramang sitwasyon. Hindi ka rin makakaasa ng direktang sagot sa mga nilalapitan mo kaya kontrolin lamang ang pagpapakita ng reaksyon. Lucky number for today: 21

VIRGO ­(August 23-September 22) – ­Sunod muna sa agos. Wala namang dahilan para malungkot ka at ­mangamba. ­Maraming magagandang ­pangyayaring parating. Lucky number for today: 10

Related Posts

LIBRA ­(September 23-October 22) – ­Mahirap para sa iyo ­ngayon ang ­magdesisyon dahil pabago-bago ka ng isip. ‘Wag magmadali. ­Pag-isipan munang ­mabuti ang mga isyu bago ka ­pumosisyon. Lucky number for today: 3

SCORPIO ­(October 23-November 21) – Maraming kontra sa ­paligid. Makabubuting ­sarilinin muna ang mga ­importanteng plano para hindi madiskaril. Makabubuti rin ngayon sa iyo ang makinig kaysa magsalita.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kailangan mong magdesisyon ngayon pero hindi ka sigurado kung alin ang tama. Piliin kung ano ang ibinubulong ng iyong puso. Lucky number for ­today: 49

CAPRICORN (December 22-January 19) – May kalituhan ngayon. At parang maraming mali na nangyayari. May pag-aalinlangan ka rin kung nasa tamang direksyon ka. ­Habang nasa ganitong mood, iwasan munang gumawa ng anumang ­pagbabago. Lucky number for today: 11

AQUARIUS ­(January 20-February 18) – ­Maging alerto dahil hindi lahat ay nagiging tapat sa iyo. Mas mataas din ang emosyon ngayon kaya makabubuting habaan pa ang pasensya at lawakan ang pang-unawa. Lucky number for today: 10

PISCES (February 19-March 20) – ­Mahirap para sa iyo ngayon ang magbigay ng anumang ­posisyon. Isang ­pangyayari rin na akala mo ay ­kabisado mo na ang ­magpapakita ng hindi inaasahang ­pagbabago. Kalma lamang at maaayos mo rin ito bago gumabi. Lucky number for today: 20

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy