Una sa Balita

Horoscope 10/09/2019

0 336

ARIES (March 21-April 19) – Ayaw mo mang maging ­predictable at gusto mong gumawa ng hindi pang­karaniwan para labanan ang pagkainip. Tiyakin lamang na ­mananatili ang iyong kontrol at hindi ka mapapahamak sa anumang gagawin. Lucky number for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – ­Kailangan mong lunukin ang pride ­pagdating sa isang pakikipagrelasyon. Aminin na ikaw ang nagkamali at humingi ng ­patawad. Masasagip ng pagpapakumbaba ang ­magandang ­samahan. Lucky number for today: 15

GEMINI (May 21-June 20) – Isang magandang nagawa para sa isang kaibigan na matagal mo nang nakalimutan ang ibabalik sa iyo nang buong-buo. Nakaka-good vibes ang mga taong marunong tumanaw ng utang na loob. Lucky number for today: 23

CANCER (June 21-July 22) – Sabihin ang iyong opinyon kahit medyo kritikal ito para sa isang taong may mas mataas na posisyon kaysa sa iyo. Gayunpaman, pag-ingatan kung paano ito sasabihin nang hindi masasagasaan ang kanyang ego. Lucky number for today: 11

LEO (July 23-August 22) – Hindi ikaw ang kailangang direktang kumilos sa ­lahat ng pagkakataon. Puwede kang ­mag-utos at ­magbigay lamang ng instruction. Ang ­importante ay makumpleto ang dapat gawin. Lucky number for today: 36

VIRGO (August 23-September 22) – Lahat ay kaya mong gawin pagdating sa isyu ng iyong lovelife. Kailangan mong isakripisyo ang sariling kagustuhan para pagbigyan ang iyong mahal. Lucky number for today: 39

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Iwasang maging emosyunal pagdating sa pera. Mas marami ang puwedeng mawala sa iyo kung hindi mag-iingat. Lucky number for today: 31

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang isang inaakala mong malaking problema ay hindi totoong problema. Dumistansya muna. Pinalalaki ng iyong emosyon ang isyu pero kung pag-iisipan ito ay makikita mong simple lamang ang dapat gawin. Lucky number for today: 44

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung ang isang ­inaakala ­pagkakakitaan ay hindi nagiging positibo, ­umatras na habang maaga. Hindi masamang magbago ng isip kaysa manatili sa desisyon kung saan mas malaki ang mawawala sa iyo. Lucky number for today: 22

CAPRICORN (December 22-­January 19) – Mag-ingat sa mga pinapasok na ­transaksyon. Tiyakin mong alam mo kung ano ang magiging kuwentahan. Gamitin ang ­common sense para hindi ka matalo. Lucky number for today: 37

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi puwede ngayon ang padalos-dalos ng pag-aksyon. Mag-isip at magplanong mabuti. Hindi lahat ng sinasabi ng kaibigan ay uubra sa sitwasyon mo. Lucky number for today: 11

PISCES (February 19-March 20) – Kung may duda ka sa isang naumpisahan, ­ihinto muna ito at mag-isip. Hindi rin ­masamang humingi ng payo sa pinagtitiwalaang ­kaibigan. Mabuti na ang nag-iingat. Lucky number for today: 6

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy