Una sa Balita

Horoscope 10/08/2019

0 323

ARIES (March 21-April 19) – Emosyunal ang araw na ito pero maraming handang magbigay na suporta. Gamitin ang araw na ito para makapag-isip pa nang husto. Hindi lahat ng kasagutan ay hawak mo. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – Dagdag na kulay ang kailangan. Makakatulong ang mga bagong aktibidad na puwedeng pagkaabalahan. Hindi rin masamang luma­bas at pagbigyan ang paanyaya ng ilang mga taong kapareho mo ng interes. Lucky number for today: 17

GEMINI (May 21-June 20) – Puwedeng magkaroon ng emos­yunal at tensyunadong sitwasyon. Mas madali itong mareresolba kung titingnan ito sa bagong perspektiba. A­yusin ang mga pakikipag-usap para tiyak na nakukuha mo at naibibigay ang tamang impormasyon. Lucky number for today: 34

CANCER (June 21-July 22) – May ilang taong tila pabigat sa iyo. Marami ka nang hawak na impormas­yon at magagamit mo ito para mapagaan ang mga pangyayari. Napag­handaan mo na ang bawat hakbang na kailangang gawin. Lucky number for today: 21

LEO (July 23-August 22) – Kailangan mo ngayong maramdaman na malaya kang nagagawa ang gusto mo. Walang makakapigil sa iyo. Pero alalahanin lamang na ang paalala ng mga taong nagmamahal sa iyo ay makabubuti sa pangkalahatan. Lucky number for today: 12

VIRGO (August 23- September 22) – Mas­yadong tensyunado ang sitwasyon. Hindi mo maiiwasang maging emosyunal. Kontrolin lamang ang mga maaanghang na patutsada na maaaring lalo pang magdulot ng kom­plikasyon. Lucky number for today: 51

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Pinapaboran ang mga pakikipagkaibigan. Sa kanila ka makakahugot ng lakas na kakailanganin mo sa mga susunod na araw. Hindi pa malinaw sa iyo kung ano ang mga dapat gawin sa hinaharap. Lucky number for today: 46

SCORPIO (October 23-November 21) – May leksyong iiwa­nan ang araw na ito. Pakatandaan at nang hindi maulit ang isang pagkakamali. Kailangan mo ring panindigan ang isang desisyon. Lucky number for today: 13

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mga sorpresang hatid ang araw na ito. Pero walang dapat ipangamba, positibo ang hatid nito sa iyo. Kaya mo anuman ang pagbabagong kailangang maipatupad. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangan mong ibigay ang iyong kooperasyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mong tapusin ang isang trabaho nang solo-solo lamang. Isantabi muna ang pride. Lucky number for today: 55

AQUARIUS (January 20-February 18) – Dumistansya sa mga masalimuot at emosyunal na eksena. Mas magiging komplikado ang sitwas­yon kung mauuna ang drama. Lucky number for today: 26

PISCES (February 19-March 20) – Ma­ging mapagbantay. Hindi nalalayo ang mga a­berya at nagmumula ito sa isang karibal o katunggali. Laging nakaantabay ang kalaban kaya hindi ka puwedeng magrelaks. Lucky number for today: 10

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy