Una sa Balita

Horoscope 10/06/2019

0 403

ARIES (March 21-April 19) – May mai-impress sa iyong mga importanteng indibidwal. Pero kung mapapasobra ka naman sa pakitang-gilas, meron ding ilang taong maiinis sa iyo. Bumalanse at gawing sakto lamang ang lahat. Lucky number for today: 10

TAURUS (April 20-May 20) – Kung ina­akala ng ibang tao na babaguhin mo pa ang nabitiwan mo nang desisyon, mapapatunayan nila ngayon na maling-mali sila. Ang isang Taurus ay hindi urong-sulong sa desisyon. Lucky number for today: 40

GEMINI (May 21-June 20) – Mahirap mapagtama ang mga isyung may kinalaman sa pera. Kung sa pagnenegosyo, hindi malayo ang posibilidad na isang taong pinagkakatiwalaan mo ang hindi nagi­ging totoo. Lucky number for today: 32

CANCER (June 21-July 22) – Mas lalo pang magiging tensyonado ang sitwasyon sa pagitan mo at ng isang taong matagal mo nang katunggali. Posibleng kailangan niyo nang pag-usapan nang masinsinan kung paano mapapahupa ang tensyon. Lucky number for today: 1

LEO (July 23-August 22) – Masyado mong sineseryoso ang iyong mga responsibilidad at wala namang masama rito. Pero may pagkakataong kailangan mo ring magpahinga at unahin ang iyong pa­ngangailangan. Lucky number for today: 18

VIRGO (August 23-September 22) – Marami kang ma-a-accomplish ngayon kung may lakas ka ng loob na aksyunan ang mga ideya mo. Iwasan lamang na mangibabaw ang emos­yon kaysa logic. Lucky number for today: 20

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Linawin kung ano talaga ang iyong saloobin sa loob ng araw na ito at hanggang sa susunod na araw. Hindi malayong may makabangga ka at masaktan sa sasabihin mo. Pero talagang masakit lamang ang katotoha­nan. Lucky number for today: 10

SCORPIO (October 23-November 21) – Mahirap para sa iyo ang magsinungaling kahit alam mong makakasakit ka ng damdamin ng iba. Iwasan lamang na mas­yadong maging matalas ang dila. May tama at mahinahong paraan ng pagsasabi para maging mas katanggap-tanggap. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung patatangay ka sa malusog mong imahinasyon at pati na sa bugso ng emosyon, hindi malayong magkaroon ng matinding tampuhan sa araw na ito. Makabubuting manaig pa rin ang diplomasya sa kahit anong sitwasyon. Lucky number for today: 15

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi ka apektado sa iniisip ng ibang tao. Hindi ka rin nagpapaimpluwensya sa expectations nila sa iyo. Alam mong hindi mo sila ka-level kaya dapat hindi na pinapatulan. Lucky number for today: 34

AQUARIUS (January 20-February 18) – Malalagay ngayon sa kuwestyon ang ilang bagay na dating tine-take for granted mo lamang. Mabubuksan din ang iyong isip na hindi puwedeng sarado agad ang isip sa isang bagay o isyu. Hindi masamang magbago ng pananaw. Lucky number for today: 25

PISCES (February 19-March 20) – Gamitin ang husay mo sa pagkukumbinsi para makuha ang suporta ng ilang importanteng indibidwal sa buhay mo. Kailangan lamang nilang makita na seryoso ka sa pagbabagong isinusulong mo. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy