Una sa Balita

Horoscope 10/04/2018

0 276

ARIES (March 21-April 19) – Isang hindi inaasahang pangyayari ang magiging source ng iyong kasiyahan sa araw na ito. Magkakaroon ka rin ng pagkakataon na baguhin ang ilang aspeto ng iyong daily routine na hindi na epektibo. Lucky number for today: 32

TAURUS (April 20-May 20) – Mas mababa ang iyong enerhiya sa araw na ito at walang ganang sumubok sa anuman. Alalahanin lamang na habang nagiging mabigat ang iyong pagkilos ay natatambak naman ang ilang obligasyon kailangan nang tapusin. Kailangan mo ng bagong inspirasyon. Lucky number for today: 45

GEMINI (May 21-June20) – Mas positibo ang mood mo sa araw naito. Gamitin ang ekstrang enerhiya para bigyang atensyon ang mga kaibigan at mahal sa buhay na iyong nakakaligtaan. Mas mag-iimprove ang iyong personal na pakikipagrelasyon. Kapag kuntento ang mga importanteng tao sa buhay mo, meron kang peace of mind. Lucky number for today: 44

CANCER (June 21-July 22) – Mas sensitibo at maramdamin ka sa araw na ito. Maging ang mga maliliit na aberya ay agad nakakapagpahina sa iyo. Sa halip na panghinaan ng loob, hanapin ang mga positibong bagay sa gitna ng ilang negatibong pangyayari. Lucky number for today: 37

LEO (July 23-August 22) – May sorpresang hatid ang araw na ito. Mas madaling makamit ang tagumpay lalo na sa isang bagong sitwasyong nagdudulot sa iyo ng sigla. Iwasan lamang na mawala ang konsentrasyon sa gitna ng nararamdamang excitement. Lucky number for today: 51

VIRGO (August 23-September 22) – Maghahatid ng magagandang oportunidad ang araw na ito. Bawat pangyayari ay may potensyal na maghatid sa iyo ng inaasam mong progreso. Salubungin ang isang pagbabago. Lucky number for today: 29

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Kailangan ng mas matinding effort para mabago ang sitwasyon mo sa buhay. May mga estratehiyang hindi na umuubra. Bigyan ng panahon ang pag-iisip para makita mo kung saan nagmumula ang mali. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23-November 21) – Maingat na pagpaplano ang kailangan para maibalik sa ayon ang ilang kondisyon sa iyong buhay. Alisin ang mga isyung nagiging hadlang sa iyong daan. Magbawas din ng mga emosyonal na bagahe. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Sukat mo ang kakayahan mo. Siguradu­hing naibubuhos mo ang kinakailangang effort para maabot ang iyong mga goals sa buhay. Kailangan din ng ilang disiplina sa sarili at umiwas muna sa mga distraksyon. Lucky number for today: 14

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mas mahirap para sa iyo ngayon ang magsalita at sabihin kung ano ang nasa isip mo. Dahil dito’y hindi rin nalalayo ang isang mainitang argumento. Kontrolin ang bugso ng emosyon. Lucky number for today: 56

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mas creative ka sa araw na ito at dapat itong samantalahin lalo na kung may mga bago kang proyektong dapat gawin. Isang indibidwal na malapit sa iyo ang may hawak ng susi para maresolba ang isang sensitibong isyu. Lucky number for today: 29

PISCES (February 19-March 20) – Alam mo ang talento at kakayahan mo. At sa araw na ito, matatanggap mo na ang pagkilalang matagal mo nang hinintay. May ilang taong makakatulong para mabuksan ang hinihintay mong oportunidad. Lucky number for today: 14

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy