Una sa Balita

HOROSCOPE 1/3/18

0 459

ARIES (March 21-April 19) – May mga bagay ka pang hindi natatapos pero isantabi muna ang mga ito. Magpokus sa isang bagong panimula habang nasa mga unang araw ng bagong taon. Ang prayoridad mo ngayon ay ang anumang bago na magdudulot sa iyo ng bagong sigla. Lucky number for today: 39

TAURUS (April 20-May 20) – Anumang sitwasyon ang kaharapin, pakaiwasan na magalit o mapikon. Maraming dapat pagkaabalahan at hindi kasama rito ang mga negatibong emosyon. Stay positive sa mga u­nang araw ng bagong taon. Lucky number for today: 11

GEMINI (May 21-June 20) – Malaki ang tsansa na makuha mo ang mga gusto mo kahit nag-uumpisa pa lamang ang taon. May mga taong hindi pabor na maging masaya ka pero wala silang magagawa dahil makikiayon ang mga pangyayari sa mga gusto mo. Lucky number for today: 16

CANCER (June 21-July 22) – Anuman ang posisyon mo, mas lalo pang magiging matatag o maaaring gumanda pa sa mga araw na darating. Ang mga pagbabagong papasok ay papabor sa mga kagustuhan mo. Hindi masamang itaas pa ang tinatarget mo at alisin ang mga limitasyon. Lucky number for today: 30

LEO (July 23-August 22) – Pagbigyan ang kagustuhang maging mas creative para magamit ang enerhiyang naipon mo sa mga nagdaang araw ng pagrerelaks. Hindi rin masamang magplano na para sa magiging grandeng bakasyon ng taon. Lucky number for today: 8

VIRGO (August 23- September 22) – Kaila­ngang itigil na ang pakikipagtalo sa mga kaibigan at kapamilya. Kontrolin ang iyong emosyon. Kung masyado nang nagiging matabil ang iyong dila, kailangan mo munang magpreno at maging kalmado. Hindi mo gugustu­hing magkaroon ng katampuhan sa pag-uumpisa ng bagong taon. Lucky number for today: 17

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Sa anumang sitwasyon, hindi masamang makipagkompromiso para lahat ng panig ay maging masaya. Piliin ang lahat ng positibo at hindi ka magkakamali ng direksyon. Lucky number for today: 6

SCORPIO (October 23- November 21) – Walang dahilan para malungkot dahil papaganda pa ang takbo ng buhay para sa iyo. Hindi mo kailangang maawa sa sarili sa halip ay magpokus sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Ang kapalaran mo ay nasa iyong mga kamay. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Pinapaboran ang lahat ng bagong pagsisimula. Burahin ang anumang pagdududa sa halip ay magtiwala sa iyong kakayahan. Sa pamamagitan ng suporta ng mga taong nagmamalasakit sa iyo, ang lahat ay magagawa mo. Lucky number for today: 29

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung isang tao sa pali­gid mo ang gumagawa ng hindi maganda para sa iyo, hindi ka dapat magkunwaring masaya sa ginagawa niya. Kailangan mong maging mas assertive at iparamdam mong hindi ka papayag na tapak-tapakan lang. Lucky number for today: 21

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kailangan mong gumawa ng mas malaking ingay para maigiit ang gusto mo. Lahat ay may opinyon pero kailangang matiyak mong naririnig din ang iyong opinyon. May taong humaharang sa mga intensiyon mo kaya kailangan mong maging mas mapilit. Lucky number for today: 1

PISCES (February 19-March 20) – Nasa taas ng iyong agenda ang mga usapin sa pera. Hindi na uubrang manatiling kapos sa budget kung may magagawa ka naman para mag-improve ang iyong sitwasyon. Maghanap ng ibang opsyon. Lucky number for today: 30

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy