Una sa Balita

HOROSCOPE 1/1/18

0 411

ARIES (March 21-April 19) – Pagkatapos ng mga kasiyahan, may mga trabahong kailangan nang harapin. May pagdedesisyon na kaila­ngang gawin kaugnay ng iyong career at may kina­laman ito sa isang mala­king pagbabago. Lucky number for today: 28

TAURUS (April 20-May 20) – Magpokus sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo at distansiya muna sa mga nagpapalungkot. Umpi­sahan ang taon nang may positibong pananaw sa lahat ng bagay. Lucky number for today: 35

GEMINI (May 21-June 20) – Importanteng araw ito kung may negosyo ka. Maraming pagpaplano na kaila­ngang harapin sa araw na ito. Malaki ang maitutulong sa iyo kung matata­lakay mo ang lahat sa iyong partner. Lucky number for today: 19

CANCER (June 21-July 22) – ‘Wag nang magpokus sa mga nagawang mali sa nagdaang taon. Kailangan mong maging positibo at manatiling kumpiyansa sa iyong kakayahan. May mga hamon na kaila­ngang pagdaanan pero lahat ito ay magagawa kung matibay ang iyong determinasyon. Lucky number for today: 45

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag nang magsa­yang ng oras sa pakiki­pagtalo sa mga tao sa iyong paligid. Gawin ang mga inaakala mong tama, ayon sa iyong kagustuhan upang walang pagsisihan sa mga darating na araw. Lucky number for today: 55

VIRGO (August 23-September 22) – Gawin ang lahat para maghilom at maresolba
ang mga hindi pagkakaunawaan. Kailangan mong burahin ang mga negatibong alaala ng nagdaang taon. Umpisahan ang bagong taon nang may buong pag-asa sa iyong puso. Lucky number for today: 40

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May tensiyong hatid ang balik-trabaho pero hindi dapat magpaapekto. Ibigay ang iyong best effort at hindi ka magkakamali. Pagkakataon na ring muling makapagpakitang-gilas sa mga nakatataas sa iyo ng posisyon. Lucky number for today: 33

SCORPIO (October 23-November 21) – May mga ideya na kaila­ngan mo munang sarilinin. Plantsahin muna sa isip ang mga dapat gawin bago ito ilatag sa lahat. May hatid na excitement ang pagbabalik sa trabaho. Lucky number for today: 28

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung isang indibidwal ang nakikita mong dumidistansiya sa iyo, respetuhin ang kanyang kagustuhan. Sa halip na magpokus sa kanya, ituon muna ang pansin sa mga trabahong naiwan nang nagdaang taon. Lucky number for today: 32

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang isang magandang nagawa mo sa nagdaang taong ay aanihin na. Positibong pagbabago ang ihahatid nito sa iyong buhay. Maaaring ikonsidera ang isang malayong pagbibiyahe sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi paborableng maging malihim pagdating sa iyong partner. Mas mapapadali ang mga plano mo kung makukuha ang kanyang kooperasyon. ‘Wag ma­ngamba dahil hindi ka mahihirapang magsalita sa kanya. Lucky number for today: 8

PISCES (February 19-March 20) – Bigyan ng panahon ang isang taong may mala­king bahagi sa buhay mo. Sa gitna ng kaabalahan sa mga nagdaang araw ng pagsasaya, nakaligtaan mo ang taong ito. Hindi pa huli para makabawi. Lucky number for today: 56

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy