Una sa Balita

HOROSCOPE – 09/18/2017

0 1

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang maging mapangahas. Konting kontrol sa emosyon ang kailangan. Tandaan na kailangang mag-isip nang makailang beses bago bitiwan ang anumang major decision lalo na kung may epekto ito sa mga taong mahal mo.

TAURUS (April 20-May 20) – Umpisahan na ang pagpaplano. May naghihintay na positibong balita sa mga susunod na araw. Sa trabaho man o ito sa lovelife, siguradong magpapangiti ito sa iyo.

GEMINI (May 21-June 20) – Tiyaking hindi mo napapabayaan ang ilang responsibilidad, negosyo o anumang trabahong ipinagkatiwala sa iyo. Mas makabubuting maging handa sa lahat ng pagkakataon. Hindi mo kailangan ng istorbo kapag kaharap ang isang importanteng tao.

CANCER (June 21-July 22) – Kapag determinado ka, walang makakapigil sa ‘yo. At super busy ang isip mo ngayon na posibleng may kinalaman sa isang special someone o special goal kaya. Suwabe lang ang dapat approach para maging disimulado ang lahat.

LEO (July 23-August 22) – Kung may kailangan kang kontakin o gawin, huwag na itong ipagpabukas. Sa mga susunod na araw, mas mahihirapan kang gawin ito kung patuloy na magpapatumpik-tumpik. Magtiwala sa sarili gaya ng pagtitiwala sa ‘yo ng isang taong nagmamahal sa ‘yo.

VIRGO (August 23-September 22) – Magaling kang magpayo at malawak ang iyong pananaw. Gamitin ang mga skills na ito at may matutulungan kang espes­yal na tao sa buhay mo. Paalala lang na dapat mo pa ring bigyan ng oras ang sarili mo at hindi laging ibang tao.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang taong malapit sa iyo ang lalapit at hihingi ng iyong tulong. Makinig muna at iwasang manghusga. May kapalit na positibong pangyayari ang pagtulong sa kapwa.

SCORPIO (October 23-November 21) – Puno ng emosyon ang paligid at magsisilbi kang solid rock para sa mahal mo at maaaring espesyal na kaibigan. Huwag ipagkait ang iyong oras at atensyon.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Marami nang nangyari sa mga nakaraang araw pero wait there’s more dahil may masaya pang pangyayaring naghihintay. Kung nasa isang relasyon na, dapat mong bigyan ng quality time ang iyong mahal. At kung single at looking pa, ‘wag palagpasin ang isang magandang pagkakataon.

CAPRICORN (December 22-January 19) –  Kung nag-aalala sa mga nangyayari sa paligid, libangin ang sarili. May pagkakataong, panahon lamang ang reresolba sa isang alalahanin. Panatilihin ang tiwala sa sarili, may maitutulong ang iyong mga mahal sa buhay. Move on muna, marami pang darating na positibong pangyayari.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hinga nang malalim, magrelaks. Mas madaling mag-isip kung naipahinga ang katawan. Ngayon mo rin mararamdaman ang halaga mo sa mga taong nakapaligid sa iyo.

PISCES (February 19-March 20) – Huwag mangiming sabihin sa iba ang dapat mong sabihin. Kailangan ka nilang marinig pero gawin ito sa diplomatikong paraan. Kung may kailangan kang patunayan, gawin ito at patuloy na manalig  sa iyong kakayahan.