Una sa Balita

Horoscope 09/22/2018

0 99

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka madaling makuntento ngayon. Pagbigyan ang sarili sa mga gusto mong subukan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong maging seryoso. Lucky number for today: 26

TAURUS (April 20-May 20) – Ang kaila­ngan mo ngayon ay dagdag na inspirasyon. Hindi mo ito makukuha kung patuloy mong ilalayo ang sarili mo sa mga taong nagmamalasakit sa iyo. Buksan ang isip para sa mga suhestyon ng mga kaibigan. Lucky number for today: 11

GEMINI (May 21-June 20) – Mapanghamon ang araw na ito at maraming naghihintay sa iyong desisyon. Huwag padala sa pressure, mag-isip muna nang makailang ulit upang walang pagsisihan. Lucky number for today: 50

CANCER (June 21-July 22) – May isang bagong impormasyon na makakaapekto sa iyo. Kailangang mong makipag-usap nang masinsinan para alamin ang bawat anggulo ng mga pangyayari. Pakinggan ang payo ng mga kapamilya. Lucky number for today: 14

LEO (July 23-August 22) – Sa gitna ng kaabalahan, mas marami kang puwedeng makaligtaan. Huwag masyadong sisihin ang sarili. Hindi lamang sa iyong kamay nakasalalay ang takbo ng mga pangyayari. Lucky number for today: 31

VIRGO (August 23- September 22) – Mas papaboran ka ngayong araw na ito kesa sa mga nagdaang araw. Kung kailangang makabawi, ngayon na ang oportunidad mo. Huwag matakot na ipaglaban ang iyong karapatan. Lucky number for today: 55

LIBRA (September 23-October 22) – May positibong pangyayari na may kinalaman sa pinansyal na aspeto. Usaping sa loob ng tahanan ang gawing prayoridad. Matagal na itong naisa­santabi. Lucky number for today: 42

SCORPIO (October 23-November 21) – Makakasira sa pokus mo ang isang isyung may kinalaman sa usaping pampamilya. Makiayon muna sa agos at iwasang kumontra. May naghihintay na magandang pangyayari sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 36

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang obligasyon ang nakakasagabal sa mga personal na plano. Hindi masamang unahin ang pagsasaya, deserve mo pa rin ang makapagrelaks particular kung weekend. Lucky number for today: 9

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi nalalayo ang isang pagbibiyahe. Posibleng dito mapokus ang atensyon mo. Gayunpaman, may mga responsibilidad na mas kailangang unahin. Lucky number for today: 24

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maaaring madiskaril ang isang plano na may kinalaman sa isang lakad kasama ang isang espesyal na indibidwal. Hindi rin nalalayo ang isang usapin sa panana­lapi. Huwag mangamba, maisisingit mo pa rin ito sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 6

PISCES (February 19-March 20) – Mahirap makipag-usap ngayon partikular sa mga kapamilya at sa espesyal na tao sa buhay mo. Hindi lahat ay nagkakaisa sa plano mo kaya iwasang makipagtalo. Magiging maayos ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 30