Una sa Balita

Horoscope 09/22/19

0 267

ARIES (March 21-April 19) – Importante ang mga sinasabi mo pero higit na mas mahalaga ang ginagawa at hindi mo ginagawa. May mas malaking impact ang pag-aksyon kaysa anumang salita at dito mag-uumpisa ang tagumpay. Lucky number for today: 30

TAURUS (April 20-May 20) – Kung merong hindi umubra, tanggapin na lamang ito at mag-move on. Ang kabiguan ngayon ay hindi naman nangangahulugang lagi ka na lamang bigo. Maging matapang sa anumang pagsubok. Lucky number for today: 7

GEMINI (May 21-June 20) – Maganda ang mga nagagawa mo kaya dapat lamang purihin din ang sarili. Alam mo kung gaano kala­king effort ang iyong ibinubuhos kaya bigyan din ng reward ang iyong sarili. Magpahinga pag may time. Lucky number for today: 12

CANCER (June 21-July 22) – Mahirap kang makumbinsi sa sinasabi ng iyong kaibigan pero sa darating na araw, mapapatunayan mong dapat kang nakinig sa kanya. Mas marami kang matututuhan kung magbibigay ka ng sapat na atensyon sa taong iyong kaharap. Lucky number for today: 44

LEO (July 23-August 22) – Posibleng mapasobra ang iyong reaksyon at magdudulot ito ng negatibong pangyayari. Kung ayaw mong maipit sa isang masalimuot na sitwasyon, dumistansya muna at piliin ang manahimik. Lucky number for today: 56

VIRGO (August 23- September 22) – Habang maraming kumukumbinsi sa iyong gawin ang isang bagay mas lalo mo naman itong kinatatakutan. Sa pagkakataong ito, dapat ka ngang maging mas maingat at huwag agad maniwala sa mga sabi-sabi. Lucky number for today: 4

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Maraming maliliit na pagbabagong nangyayari sa kasalukuyan. Ang lahat nang ito’y pag-uugatan ng isang malaking pangyayari na puwede mong ikagulat. Pero sa kabuuan, wala namang dapat katakutan sa hinaharap. Lucky number for today: 1

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi masamang magpokus sa malayong hinaharap pero hindi ngangahulugang mababalewala mo na ang mga nangyayari sa iyong paligid. Bigyan din ng importansya ang plano mo sa loob ng araw na ito. Lucky number for today: 29

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Natutukso kang magpatupad ng malaking pagbabago pero iwasan muna ito sa loob ng isa hanggang dalawang araw. Mapapatunayan mong wala namang sapat na basehan para gawin ito. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang responsibilidad ang masyadong nagpa­pahirap sa iyo. Bago tuluyang sumuko, maghanap muna taong aalalay sa iyo. Nasa pagtutulungan ang solusyon. Lucky number for today: 14

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Isang tao sa paligid mo ang tila may isinisikreto sa iyo. Bawat galaw niya ay kahina-hinala. Hindi masamang mag-obserba kung ano ang mga susunod niyang gagawin. Lucky number for today: 5

PISCES (February 19-March 20) – Mahirap ngayong makatiyak dahil maraming nagbabago. Iisa lamang ang sigurado, hindi nakaka­bagot at mag-e-enjoy sa mga pangyayari. Lucky number for today: 6

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy