Una sa Balita

Horoscope 09/20/2019

0 309

ARIES (March 21-April 19) – May isang iaalok sa iyo at kailangan mo itong pag-isipang mabuti. Hindi lahat ng maganda sa unang tingin ay totoo. ‘Wag agad magpadala sa matatamis na salita. Lucky number for today: 18

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi masamang makiayon muna sa agos pero maging alerto sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari. Kailangang meron kang nakahandang Plan B. Lucky number for today: 42

GEMINI (May 21-June 20) – Mahihirapan kang kumbinsihin ang lahat ng tao na makiayon sa paniniwala mo. Kung kailangang magsolo ka sa ipinupursige mo, ‘wag itong katakutan dahil sapat ang iyong kakayahan. Lucky number for today: 52

CANCER (June 21-July 22) – Mag-ingat sa mga tinatanguang commitment baka mapasubo ka. Sa loob ng araw na ito, anumang sitwasyon ay puwedeng maging komplikado kaya ‘wag tutulog-tulog. Lucky number for today: 18

LEO (July 23-August 22) – Madali ka lamang makonsensya pero ang mga nangyayari ngayon ay deserve mo lamang. Hindi mo kailangang ma-guilty dahil lamang sa mga dumarating na blessings sa iyong buhay. Lucky number for today: 35

VIRGO (August 23-September 22) – May ilang ­bagay na tila kontra sa mga plano mo. ­Dedmahin na lamang ito. Sa kabuuan ay mas ­marami pa rin ang ­pabor sa iyo. Magpokus sa long-term na plano. Lucky number for today: 52

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kaila­ngan mo munang ­patawarin ang isang ­taong malapit sa iyo para tuluyang kang maka-move on. ­Mabigat sa dibdib ang ­palaging may kagalit kaya ikaw na ang maunang ­gumawa ng paraan para maresolba ang hindi pagkakaunawaan. Lucky number for today: 5

SCORPIO (October 23-November 21) – Mapopokus ka ngayon sa iyong ambisyon. Pero hindi mo kailangang maki­pag-away para maisulong ang interes mo. Mas mainam kung daanin sa diplomasya ang lahat. Lucky number for today: 16

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May kailangan kang pagbayaran dahil sa isang pagkakamali na nagawa sa nakaraan. Hindi mo ito puwedeng iwasan kaya resolbahin na habang may pagkakataon ka pa. Lucky ­number for today: 36

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kumbinsido kang laging may negatibong mangyayari kaya malamang na ganito nga ang mangyari. ‘Wag mo nang ­hintayin ang anumang aberya dahil namamagnet mo lamang ang mga nega vibes. Subukang maging positibo at makikita mong mas magiging makulay ang iyong mundo. Lucky number for today: 46

AQUARIUS (January 20-February 18) – ­Masyado kang napopokus sa mga seryosong usapin. May ­makakaharap ka rin ng ilang taong masyadong mapagmataas. Hindi mo kailangang paapekto sa kanila dahil mas maraming naniniwala sa iyo. Lucky number for today: 27

PISCES (February 19-March 20) – Maaring hindi ka kumbinsido sa sinasabi ng taong kaharap mo pero ­makikita mong umaani ng positibong resulta ang kanyang sistema. Lunukin na muna ang pride at makiayon sa taong ito. Lucky number for today: 5

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy