Una sa Balita

Horoscope 09/20/2018

0 98

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ito ang paborableng araw para pumasok sa isang investment. Iwasan din munang gumastos lalo na ang mga wala sa planong paglalabas ng pera. Lucky number for today: 52

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasang kumontra lalo na sa mga taong mas nakakataas sa iyo. Mas paborableng sumunod muna lalo na kung ang lahat ay may kinalaman sa iyong career. Ipakita na isa kang team player. Lucky number for today: 39

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasan ang temptasyon na kumalas sa iyong mga kagrupo. Kailangan mo ang tulong ng iyong mga kasamahan para makamit ang goals mo. Ang pagkakaroon ng tamang koneksyon ay importante para magtagumpay. Lucky number for today: 2

CANCER (June 21-July 22) – Kung may dapat kang iparating na mensahe, dumirekta sa kinauukulan. Iwasan ding magbigay ng impormasyon­ sa ibang tao. Makaka­gulo lamang sila sa iyong sitwasyon. Lucky number for today: 33

LEO (July 23-August 22) – Isang itinuturing mong lider o nakakataas ng posisyon sa iyo ang big­lang aalis. Magdudulot ito ng kalituhan at maaaring sa iyo mapunta ang bulto ng mga maiiwang responsibilidad. Iwasan munang magbitaw ng mabigat na desisyon. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23- September 22) – Isang isyung may kinalaman sa legalidad ang posibleng makaagaw ng iyong atensyon. Bagama’t malaking kalituhan at pagkabalisa ang hatid nito, kaya mo itong lagpasan. Iwasan lamang maging masyadong emosyunal. Lucky number for today: 22

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Hawakan muna ang iyong pananalapi dahil matatagalan bago muling magkaroon ng extra income. Pagdating sa iyong lovelife, mas gusto mong ikaw ang hinahabol kaysa naghahabol. Ingatan lamang na makalagpas ang isang magandang pagkakataon. Lucky number for today: 17

SCORPIO (October 23-November 21) – Maaring magkaroon ng ilang isyu sa iyong lovelife. Dito masusubukan kung gaano na katatag ang inyong pagsasama. Iwasan lamang na lalo pang dagdagan ang drama. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung merong nawala sa iyo, ‘wag magpanik. Sa bawat nagsasarang pinto, may nagbubukas na bintana ng bagong oportunidad. Kalma lamang at maaayos ang lahat. Lucky number for today: 50

CAPRICORN (December 22-January 19) – Tiyaking hindi mo binabalewala ang iyong partner sa buhay. Kung ayaw mo ng drama, bumawi sa iyong mga pagkukulang. Mag-ingat dahil madalas na nare-realize ang importansya ng isang tao o ng isang bagay kung ito’y wala na. Lucky number for today: 5

AQUARIUS (January 20-February 18) – May pagbabagong kailangang gawin at may kinalaman ito sa loob ng bahay at sa iyong pamilya. Kakaila­nganin mo ang tulong ng isang kaibigan hanggang matapos ang isang naumpi­sahang gawain. Lucky number for today: 21

PISCES (February 19-March 20) – Iwasang maging masyadong agresibo lalo na pagdating sa social media. Hindi na dapat patulan ang mga bashers. Mas bigyang importansya ang mga taong naniniwala sa iyo kaysa mga taong naninira lamang. Lucky number for today: 44