Una sa Balita

Horoscope 09/19/2019

0 260

ARIES (March 21-April 19) – ­Hindi lahat ng sinasabi ng isang ­nagpapakilalang eksperto ay ­kailangan mong sundin. Ikaw pa rin ang nakakaalam kung ano ang higit na makabubuti para sa iyo. Gamitin mo lang ­gabay ang bawat ­impormasyon. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – ­Magtiwala sa sarili. Iwasan mo ring ikumpara ang sarili mo sa iba. Kanya-kanyang buhay, kanya-kanyang diskarte. May mga pagkakataong kailangan munang magkamali para matuto. Lucky number for today: 55

GEMINI (May 21-June 20) – Ang ­inaakala mong malaking problema ay ­mapapatunayan mong simple lamang. Masyado ka lamang ­naiimpluwensyahan ng isang tao na may ­negatibong pananaw. Lucky number for today: 8

CANCER (June 21-July 22) – Ang isyung kinakaharap mo ngayon ay hindi na bago kaya hindi mo dapat katakutan. Alalahanin na ­lamang ang mga leksyong iniwan ng nakaraan dahil magagamit mo ito sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 35

LEO (July 23-August 22) – Umiwas sa anumang bagong obligasyon. Hindi ikaw ang ­kailangang sumalo ng lahat. Kung may ­kinalaman ito sa trabaho, iwasan munang ­magboluntaryo. Hindi ito ang tamang ­pagkakataon para ­magpakitang gilas. Lucky number for ­today: 36

VIRGO (August 23-September 22) – ­Maging maingat sa mga isyung may kinalaman sa ­pamilya at sa pera. Alam mong nasa tama ka pero ­hindi mo ito puwedeng ipilit dahil maaaring magkasamaan ng loob. Lucky number for today: 7

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – ­Kailangan mong direktang sabihin kung ano ang gusto mo para mas maunawaan ka ng iyong mga mahal sa buhay. Hindi mo ­makukuha ang ­suporta nila kung hindi ka muna ­magpapaliwanag. Lucky number for today: 9

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang kaibigan ang maaaring makapagbitaw ng hindi magandang komento. ‘Wag na itong ­personalin sa halip ituring ito bilang ­constructive criticism. Makakatulong sa iyo ang pakikinig. Lucky number for today: 50

SAGITTARIUS (November 22-­December 21) – Maging honest sa kung ano ang ­gusto mong ma-achieve. Mas matutulungan ka ng mga tao sa paligid mo kung magiging tapat ka. ‘Wag munang pairalin ang pride. Lucky number for today: 35

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung may hamon na kakaharapin, ­ipagpaliban muna ito ng ilang araw. Kailangan mo munang ihanda ang iyong sarili. Magiging masalimuot ang mga pangyayari kung hindi mag-iingat. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – Malaki ang magagawa mo para sa ilang ­taong nasa paligid mo. May ilang hadlang na madaraanan pero ito’y sandali lamang ­malalagpasan. ­Magpakatatag para sa ikabubuti ng mas ­nakararami. Lucky number for today: 12

PISCES (February 19-March 20) – Isang kasamahan ang masyadong nang-aabuso sa iyong kabaitan. Hindi masamang magsabi ng hindi kung ito ang tunay mong nararamdaman. Kailangan na niyang maramdaman na marunong ka ring pumalag. Lucky number for today: 15

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy