Una sa Balita

Horoscope 09/17/2019

0 488

ARIES (March 21-April 19) – ­Hindi sa lahat ng ­pagkaka­taon ay nagkaka­tapat ang interes mo at ng iyong partner o sinumang malapit na kaibigan. Hindi rin kayo ­laging magkakasundo. Pero hindi ito dahilan para ­manlamig sa ­kanya. Lucky ­number for ­today: 16

TAURUS (April 20-May 20) – ­Masyado kang nakapokus sa ­iisang isyu lamang kaya hindi mo na ­napapansin na may iba pang isyung kailangang bigyang ­pansin. Isang pangyayari ngayon ang magpapaalala na mayroon kang dapat gawin at tapusin ngayong linggong ito. Lucky number for today: 33

GEMINI (May 21-June 20) – Alam mo kung ano ang iyong gustong gawin at alam mo rin kung paano ito gawin pero may ­pumipigil sa iyo. ­Anuman ito kailangan mo munang ­pagplanuhang mabuti kung ano ang mas ­makabubuti. Lucky number for today: 12

CANCER (June 21-July 22) – ­Kumbinsido kang hindi mo kayang abutin ang isang ­matagal mo nang ambisyon. Pero hindi ito ang ­katotohanan. Dagdagan lamang ang ­kumpiyansa sa ­sarili at maaabot mo ang iyong pangarap sa ­tulong ng solidong determinasyon. Lucky ­number for today: 3

LEO (July 23-August 22) – Hindi ­laging makulay ang mundo mo. May pangyayari ­ngayong magiging daan para ma-realize mong marami ka pang kakulangan. Ituring itong ­hamon para mas lalo pang doblehin ang ­pagsisikap. Lucky number for today: 48

VIRGO (August 23-September 22) – ­Inaakala mong kaya mong harapin ang lahat ng hamon pero makikita mo ngayon na may bagay na hindi puwedeng gawin nang solo. Kailangan mo ang tulong ng ibang tao at dapat mo muna itong aminin. Lucky number for today: 15

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – ­Hindi ka tumatakbo sa anumang problema pero sa ­pagkakataong ito, kailangan mo ng taong ­aalalay sa’yo. Lunukin muna ang pride at lumapit sa isang indibidwal na handa namang umalalay sa iyo. Lucky number for today: 55

SCORPIO (October 23-November 21) – May tukso para makipagsapalaran o sumugal sa isang bagay na hindi ka sigurado. Bago ito gawin, maglatag muna ng Plan B para may magagawa ka sakaling magkaroon ng aberya. Lucky ­number for today: 12

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Sabihin ang gusto mong sabihin pero ­maging maingat kung ang kaharap mo ay mga taong importante sa buhay mo. Hindi papabor ang ilang pangyayari sa araw na ito pero may paraan para mabawasan ang magiging impact nito sa buhay mo. Lucky number for today: 34

CAPRICORN (December 22-January 19) – ‘Wag mong balewalain ang opinyon ng taong kaharap mo. Hindi mo man gusto ang lahat ng sinasabi niya, alam mong ito’y para sa ­ikabubuti mo. ‘Wag masyadong magmatigas upang hindi malagay sa alanganing sitwasyon. Lucky ­number for today: 4

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung sa mga nagdaang araw ay may ilang pagkatalo, ngayon ay papabor na sa iyo ang mga pangyayari. Mapapatunayan mong ikaw ay nasa tamang direksyon. Lucky number for today: 1

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag nang masyadong personalin ang komento ng isang kaibigan o maaaring ng isang kaanak. ­Hindi ka naman direktang maapektuhan. Sa halip na maging sensitibo, maging handa na ­lamang sa mga pagbabagong parating. Lucky number for today: 8

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy