Una sa Balita

Horoscope 09/13/2019

0 330

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka takot sa anumang komprontasyon ngayon­ pero mas mabuting umiwas sa anumang gulo. Piliin lang ang mga bagay na karapat-dapat bigyang pansin. Lucky number for today: 55

TAURUS (April 20-May 20) – Ang maha­laga ay kilala mo ang iyong sarili. Alam mo ang iyong kakayahan­ at kahinaan. ‘Wag hayaang­ maliitin ka ng iba. Lucky number for today: 23

GEMINI (May 21-June 20) – May isang tao na kahit hindi mo kasundo ay kailangan mong pakisamahan para sa isang proyekto. Ito na ang pagkakataon mo para ipakita ang iyong taglay na galing at diskarte. Lucky number for today: 13

CANCER (June 21-July 22) – Lahat ng sobra ay walang mai­dudulot na maganda. Ugaliing mag hinay-hinay sa kahit anong bagay nang hindi ka makasakit ng iba. Lucky number for today: 8

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag sanayin ang sarili na paikutin ang mga bagay-bagay para sa sariling interes. Maaring magresulta ito ng hindi maganda sa darating na panahon. Mas mabuting maging tapat lalo na kung usapang pera. Lucky number for today: 11

VIRGO (August 23- September 22) – Maaring may nabubuong magandang samahan sa pagitan ng isang katrabaho. Mas mabuting panatilihing propesyunal lamang ang mamagitan sa inyo. Walang magandang idudulot sa isa’t isa kung patatangay sa tukso. Lucky number for today: 18

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kailangan mong maging malikhain kung paano mo mapapasunod ang iyong mga kasamahan sa iyong gusto. Maging handa sa mga reklamo na ibabato sa’yo. Kumalma at gumamit ng diplomasya. Lucky number for today: 48

SCORPIO (October 23-November 21) – Masyado kang pokus sa iyong karera kaya nawawalan ka ng oras para sa iyong sarili at mga kaibigan. Matutong balansehin at bigyan ng sapat na oras at atensyon ang lahat ng aspeto ng iyong buhay. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maging wais sa paggastos sa ngayon. Maghanap ng alternatibong paraan para mag-enjoy ng hindi nabubutas ang bulsa. Mas mabuting may madudukot kapag kinakailangan. Lucky number for today: 9

CAPRICORN (December 22-January 19) – ‘Wag mag-alala dahil unti-unti ng napapansin ng mga tamang tao ang iyong angking­ galing at talino. Ipagpatuloy lamang ang ginagawa at hindi magtatagal ay makakamit mo na ang inaasam mong tagumpay. Lucky number for today:20

AQUARIUS (January­ 20-February 18) – ‘Wag mag-alala dahil wala namang nakaba­la­kid sa iyong mga plano. Tanging kathang-isip mo lamang ito dala ng nerbiyos. Magtiwala lamang na magta­tagumpay ka. Lucky number for today: 22

PISCES (Februa­ry 19-March 20) – Maaayos mo na ang ilang bagay na buma­bagabag sa’yo. ‘Wag magmadali dahil para­ting na ang matagal mo nang hinihintay. Lucky number for today: 13

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy