Una sa Balita

Horoscope 09/13/2018

0 130

ARIES (March 21-April 19) – Isang magandang balita ang matatanggap. Makakatulong ito sa kalagayang pinansyal. Pagdating sa pera, umiwas bumili ng mamahaling gadgets. May mas mahalagang bagay na dapat paglaanan. Lucky number for today: 4 

TAURUS (April 20-May 20) – Paborable ngayon ang makipagtulungan sa isang kapartner. Mas malaki ang oportunidad na magkaroon ng dagdag na kita kung magkakaroon ng mahigpit na kooperasyon sa iyo at sa mahal mo. Sa pagkakataong ito, hindi paborable ang makalumang paniniwala. Lucky number for today: 17 

GEMINI (May 21-June20) – Makakatanggap ng isang magandang alok at oportunidad. Magbibigay ito ng magandang benepisyo lalo na sa aspetong pinansyal at seguridad. Sikaping ding muling makapagkonek sa mga dati mong kontak. May malaki silang maitutulong. Lucky number for today: 19 

CANCER (June 21-July 22) –  May magandang oportunidad ngayon sa romansa. Mataas ang iyong karisma at may mabubuksang pagkakataon para sa mga single. May itinutulak sa iyo ang ilang kaibigan pero masyado itong risky kaya iwasang magpapilit. Lucky number for today: 12 

LEO (July 23-August 22) –  Paborable ngayon ang paglipat. Kung may pinaplano kang paglipat ng bahay o trabaho, nga­yon ang tamang oportunidad para rito. Isang taong may mataas na posisyon na malapit sa iyo ang aalis at magdudulot ito ng ilang kalituhan. Lucky number for today: 35 

VIRGO (August 23-September 22) – Isang pagbibiyahe ang magbubukas ng bagong pinto para sa romansa. Kung may partner ka na, dumistansya agad dahil malakas ang kaway ng tuksong parating. Magandang oportunidad naman ito para sa naghahanap pa lamang ng mamahalin. Lucky number for today: 56 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May oportunidad ngayon para magkaroon ka ng dagdag kita. Ang trabahong ito ay maaring home base pero magdudulot ng mala­king benepisyo sa iyo. Sa aspeto ng pananalapi, mag-ingat sa isang paggastos na makakagasgas sa iyong bulsa. Lucky number for today: 40 

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang pagpasok sa hindi pamilyar na teritoryo ay pinapaboran ngayon. Isang tao ang magpu-push sa iyo nang husto pero ito’y para rin sa iyong kapakanan. Pakinggan ang kanyang mga sinasabi. Lucky number for today: 27 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magdudulot ng kasiyahan para sa iyo ang pagtulong sa mga nangangailangan. Sa aspeto ng career, maaaring hindi matuloy ang isang hinihintay na bagong trabaho. Wag magpanik, may mas magandang inilalaan sa iyo. Lucky number for today: 30 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Lahat ng hawakan mo ngayon ay mapagtatagumpayan. Samantalahin ang pagkakataon para tapusin ang mga napapabayaang obligasyon. Lucky number for today: 44 

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang oportunidad para sa bagong trabaho ang ilalapit sa iyo. Ang tanong ay kung kaya mong iwan ang kasalukuyan mong trabaho. Hingin ang payo ng mga malalapit na kaibigan para mas makapagdesisyon nang tama. Lucky number for today: 20 

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mo ng isang pagbibiyahe para makawala sa mga negatibong routine ng buhay. Mas magandang oportunidad ang naghihintay sa ibang lugar. Kailangan mong laksan ang loob para mabigyang daan ang kinakailangang pagbabago. Lucky number for today: 31