Una sa Balita

Horoscope 09/12/2019

0 407

ARIES (March 21-April 19) – Hindi mo kaila­ngang pilitin ang sinuman na ibigay ang gusto mo. Kusa nilang ibibigay ito sa iyo kung paiiralin lamang ang ­diplomasya. ­Natural na sa iyo ang maging ­assertive pero may pagkakataong mas maiging ­ibigay mo muna ang iyong kooperasyon. Lucky ­number for today: 2

TAURUS (April 20-May 20) – Lahat ay nagkakamali kaya ‘wag ­masyadong sisihin ang sarili. Aminin na lamang na hindi ka perpekto at gumawa nang paraan para makabawi. Lucky number for today: 55

GEMINI (May 21-June20) – Mataas ang iyong ­kumpiyansa ­ngayon pero hindi ka pa rin komportable. Sa halip na ­pahirapan ang ­sarili sa pag-iisip ng mga ­negatibong pangyayari, kumalma at i-enjoy mo lamang ang buhay. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Balikan ang mga ginawa mo sa ­nakaraan at makikita mong mas maganda pa sana ang ­nakuha mong resulta kung nagtodo effort ka. ­Gamitin ito bilang leksyon para mas maging ­matagumpay sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 32

LEO (July 23-August 22) – Isang kaibigan o ­kapamilya na masayahin ang biglang magbabago ng mood. Meron siyang pinagdaraanan at ­malaki ang maitutulong mo para ­maibsan ang kanilang alalahanin. ‘Wag ­ipagdamot ang iyong tulong. Lucky number for today: 22

VIRGO (August 23-­September 22) – Isa sa mga tao sa paligid mo ang nag-aakalang kaya ka niyang paikutin. Ipakita mo sa kanyang ­nagkamali siya ng akala. Kung sa tingin mo ay dapat ka nang ­dumistansya, gawin ito sa lalong madaling panahon. Lucky number for today: 50

Related Posts

LIBRA ­(September 23-October 22) – ­Pakinggan ang iyong kutob. Pakinggan ang ­ibinubulong ng iyong puso. Kung hindi gagawin ito, posibleng may pagsisihan ka sa mga darating na araw. Lucky number for today: 51

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung may kailangan kang pabor kaninuman, sa araw na ito ay madidismaya ka sa matatanggap na katugunan. Ipagpaliban ang planong paglapit kung ayaw mong mapahiya. Lucky number for today: 6

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Bago magpanik, pag-aralan munang mabuti ang kinakaharap na sitwasyon. Posibleng nasa isip mo ­lamang ang lahat at ikaw ang nagpapalaki sa isyu. Makakabuting dumistansya nang makapag-isip nang husto. Lucky ­number for today: 30

CAPRICORN ­(December 22-­January 19) – ‘Wag masyadong ­mag-alala kung may ilang ­taong kailangan mong ­banggain ngayon. ­Hindi mo ­maiiwasang gawin ito. ‘Wag mangamba, ­mare-realize din nila sa dakong huli na tama ang ginawa mo. Lucky number for today: 4

AQUARIUS ­(January 20-February 18) – ­Mag-umpisa nang ­maaga dahil ­nakaabang ang iyong mga ­kakumpetensya. Mas madali mong ­matatapos ang dapat gawin at mas makakapagbigay ka ng quality time sa iyong ­partner at ­kapamilya. Lucky number for today: 56

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag mangamba. Kung may mga nakakadismayang pangyayari, manalig na ito’y pansamantala ­lamang. May hatid na ­sorpresa ang gabi na magpapasayang muli sa iyo. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy